^

Pang Movies

Sikat na tao sa Pilipinas, hindi kinaya ang ‘level’ ni Kris

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Kasama na ang isang kilalang tao sa Pilipinas ang nagpadala ng cheer up message for Mr. Fu through Nay Cristy Fermin matapos ngang lumutang ang isyung ayaw makasama ni Kris Aquino si Mr. Fu sa portion ng isang online show sana ng inactive TV  host na major sponsor ay ang isang supermarket.

Hindi na ‘yun pinangalanan hanggang sa Take It…Per Minute, Me Ganun kahapon pero naibulong na sa amin.

Oo nga at mayaman si Sir pero kaka-touch ang kanyang mensahe. Nauna nang nag-shout out si Mr. Fu tungkol dito : “isang mahalagang tao na tunay na may sinasabi sa lipunan (may sinasabi sa lipunan?!) ang nagpadala sakin ng mensahe ngayong araw na ito. nakakataba ng puso (at parang medyo napatulala ha, kita ba sa photo na ito?!) dahil naalala pa nya ako kahit matagal nakong walang proyekto sa kanyang kumpanya. pero ganyan talaga sya kahit nung talent pa ako sa kanyang bakuran, walang ka-ere ere at pantay tumingin sa tao. thank you very much sir for the support and concern!”

Common knowledge na sa showbiz na hindi natuloy ang sana’y online show ni Kris na kasama ang mga chikadora ng Take It… Per Minute, Me Ganun, ang number one digital talk show sa Facebook page and YouTube channel ng Pilipino Star NGAYON.

Nauna nang nagdesisyon si Nay Cristy na ‘wag tumuloy sa nasabing programa at sumunod na si Nay Lolit matapos masaktan ang una sa dialogue ni Kris na hindi nila ka-level si Mr. Fu.

MYX naghahanap ng ‘rising star’

Para sa matagal nang gustong mapanood ang sarili nila sa MYX, panahon nang ipamalas ang inyong talento sa pagho-host para sa pagkakataong mapili bilang Kumu Rising Star of the Month on MYX sa pagdiriwang ng music channel ng ika-20 anibersaryo.

Magbubukas ang MYX para sa mga tagasuporta nito na nagnanais bumida bilang VJ at umeksena sa iba’t ibang prog­rama nito sa telebisyon sa pamamagitan ng online campaign sa Pinoy live­streaming app na Kumu.

Kailangan lang mag-public livestream sa Kumu anumang oras hanggang 11:59 p.m. sa Nobyembre 19 (Huwebes) para makasali. Ang streamer na makakatanggap ng pinakara­ming MYX Mic o MYX Stage virtual gifts mula sa mga manonood nila ang magiging “Kumu Rising Star of the Month on MYX” para sa buwan ng Disyembre.

Samantala, ang 2nd at 3rd placers naman ay magkasamang magiging guest sa MYX Daily Top 10 at magho-host ng episode ng MYX Moods. Tulad ng 4th placer, makakatanggap din sila ng special gifts mula sa music channel.

‘Wag palampasin ang pagkakataong makasama sa MYX spotlight ang mga paborito mong singers at VJs! Umpisahan nang mangolekta ng MYX Mic o MYX Stage virtual gifts para maging Kumu Rising Star of the Month on MYX ngayong Disyembre.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with