^

Pang Movies

Madam Auring, namatay sa edad na 80

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Madam Auring, namatay sa edad na 80

Sumakabilang buhay na ang kilala at controversial fortune teller na si Madam Auring, Aurea Sabalboro Elfero sa tunay na buhay sa edad na 80. Ang malungkot na balitang ito ay kinumpirma ng kanyang apong si Daryl Simon Pecson sa kanyang Facebook account.

Si Madam Auring ay binawian ng buhay kahapon, Biyernes, October 30.

Partner ni Ricardo, lola na

Lola na ang dating beauty queen-model-turned actress na si Marina Benipayo matapos magsilang ng baby boy noong isang araw ang partner ng kanyang bunsong anak na si Joshua na si Judy. Baby Jacob Apollo ang pangalan ng unang apo ni Marina (52) na matagal nang hiwalay sa kanyang dating mister kung kanino siya may dalawang anak na parehong lalake, sina Mark at Joshua.

Months old pa lamang noon si Joshua nang magkahiwalay sina Marina at dati niyang mister na nag-migrate na sa Canada kaya mag-isang pinalaki ng dating beauty queen-model at actress ang kanyang dalawang anak.

Marina is a long relationship with Snooky Serna’s ex-husband, ang dating model-turned actor-entrepreneur na si Ricardo Cepeda.

More than thirty years later ay muling nagkrus ang kanilang landas ni Ricardo nang hindi inaasahang magkasama sila sa teleseryeng My Binondo Girl na pinagbidahan nina Kim Chiu at Xian Lim at kung saan naman nagsimula sa kanyang acting career ang Cebuano businessman na si Ricardo.  Nagkagulatan sina Ricardo at Marina sa kanilang muling pagkikita at sila’y nagkayakapan na ikinagulat ng kanilang mga kasamahan sa serye.

Matagal nang annulled ang kasal ni Ricardo kay Snooky pero si Marina ay may problema pa rin sa kanyang annulment dahil hindi umano nag-cooperate ang kanyang ex-husband hanggang sa ito’y umalis patungong Canada kung saan ito ngayon naka-base.  Ang mag-iinang Marina, Mark at Joshua ang inabandona. Ito ang rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mauwi sa kasalan ang relasyon ning Marina at Ricardo considering na siyam na taon na ang kanilang relasyon.

Pops (as in Papa) ang tawag ng mga anak ni Marina kay Ricardo habang Tita naman ang tawag kay Marina ng mga anak ni Ricardo kay Snooky.

Very close ang mga anak nina Ricardo at Marina sa isa’t isa lalo pa’t magkakalapit ang kanilang mga edad. There are times na magkakasama sila ng mga bata na kumakain sa labas at out of town trips.

vuukle comment

MADAM AURING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with