Mga nega, bina-block agad Janella positivity lang ang ini-entertain
“BLOCKING PEOPLE WHO HAVE NO RESPECT AND HAVE NOTHING ELSE TO DO BUT GOSSIP. I AM ONLY ALLOWING POSITIVITY IN MY SPACE. [HEART EMOJI]” ang IG story ni Janella Salvador kahapon matapos mag-post na hindi pa rin kita ang tiyan habang may pino-promote na pang-organize ng mga kagamitan.
Kinuyog kasi ng mga usisero at usisera ang post niyang “2020 has been a stressful year for all of us and so we’re all constantly finding ways to keep our sanity in check. One of the best ways, for me, is to ORGANIZE! It’s absolutely therapeutic and who doesn’t love seeing things in order? I recently discovered an affordable shop for all my organizing solutions. It’s always a good idea to invest in your peace of mind and to keep your life orderly.”
Na-siyempre ay naikonek ng ibang followers niya sa chikang diumano’y magkaka-baby na sila ng boyfriend na si Markus Paterson.
Pero ‘yun nga, lahat ng mga nagne-nega, naba-block agad.
Ellen at anak laging masaya, John Lloyd nawala na sa eksena
Happy baby ang anak nina John Lloyd Cruz and Ellen Adarna na two-year old, si Elias. Lately nga ay visible ang bata sa IG page ni Ellen.
Kahapon ay panay ang sayaw nito habang nagpa-piano si Ellen ng BabyShark. “This is how i hypnotise and put my son in a state of trance #hypnosis“
- Latest