^

Pang Movies

Ella, kinabahan sa Blackpink

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ella, kinabahan sa Blackpink
Ella

Napanood namin ang Instagram Story ni Ella Cruz kung saan, excited at kabado sa ginanap na virtual presscon ng Blackpink kahapon para sa strea-ming sa Netflix ng documentary ng BlackPink na Blackpink: Light Up The Sky. Inamin ni Ella na kinakabahan siya at nagka-countdown nga hanggang magsimula ang virtual presscon.

Siguradong maraming celebrities at fans ng Blackpink ang naiinggit kay Ella dahil sa rami ng Pinoy fans ng Blackpink, siya ang napili na mag-host dito sa bansa.

Maaalalang, minsan nang nag-perform si Ella sa harap ng Blackpink sa Jakarta. Sa rami ng mga nag-view sa performance ni Ella, umabot agad sa 4M ang views ng nasabing video. Mapapanood pa rin ang nasabing video sa YouTube channel ni Ella.

Korina, palalakasin pa ang TV5

Sa isang episode ng Frontline Pilipinas, pinag-usapan nina Raffy Tulfo at Cheryl Cosim ang paglipat ni Korina Sanchez sa TV5. Nagbiro si Cheryl na baka mawalan siya ng trabaho pagpasok ni Korina sa Kapatid Network.

Hindi sumang-ayon si Raffy sa sinabi ni Cheryl na baka mawalan siya ng trabaho

kapag nasa TV5 na si Korina. Narinig si Rafffy na nagsalita ng “Hindi naman. Nakadagdag sila. Lalo tayong lalakas. Yun, abangan n’yo ang paglakas pa ng TV5 at Cignal. Dito lang yan.”

Cassy naagawan ng partner

Next month na pala magsisimula ang one month lock-in taping ng First Yaya at hindi lang si Sanya Lopez ang bago sa cast, pati na rin si Joaquin Domagoso (JD), anak ni Manila City Mayor Isko Moreno. Si JD na kasi ang makakapareha ni Cassy Legaspi dahil ang original choice na makaka-love team ni Cassy na si Kelvin Miranda, inagaw ni Mikee Quintos. Sina Mikee at Kelvin na ang magpapakilig sa fantasy rom-com series na The Lost Recipe.

Hindi nabanggit ni Cassy sa Zoom interview sa kanila ng kakambal niyang si Mavy Legaspi kung nakapag-taping na sila ni Kelvin dahil ang kinunan lang ay plug teaser.

Excited at kabado si Cassy to start taping for First Yaya dahil one month siyang naka-lockdown. Hindi raw niya makikita ang family niya ng ganu’ng katagal, tapos mag-isa lang siya sa taping. Bawal kasi ang mga PA, paano na ‘yan?

Sa pamilya ni Cassy, si Mavy lang ang hindi makaka-experience ng lockdown taping dahil hindi pa ito gagawa ng teleserye. Si Carmina, naka-lockdown sa shooting ng isang pelikula. Pagbalik ni Carmina, si Zoren Legaspi naman ang magla-lockdown taping sa pagre-resume ng taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit.

Samantala, sina Cassy at Mavy ang bagong endorsers ng Penshoppe at kasama nilang endorsers si Julia Barretto.

vuukle comment

ELLA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with