^

Pang Movies

Sharon, hindi pinapaboran sa paglalantad ng mga bilyones

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Maraming nakakapansing mali-mali ang mga move ni Megastar Sharon Cuneta sa kasalukuyan.

Bakit daw mga mamahalin at sari-saring yaman niya ang ibinabalandra niya gayung ang daming dumaraing ng paghihirap dahil nga sa pandemyang nararanasan ng buong mundo.

Sana raw ay magiging sensitive si Mega sa paglalabas ng kanyang mga bilyones.

Totoo naman. Makakabuti sigurong patapusin na muna niya ang kahirapang nararanasan ngayon ng mga tao, saka niya i-display ang kayamanan niya at kung sobra ito ay huwag kalimutang ibahagi sa mga naghihirap niyang kasamahan sa industriya.

Caridad, dating ma-PR

Dahil sa isyung dementia tungkol kay Tita Caridad Sanchez, na hindi naman pala ganun kalala, marami ang nalungkot. Dati kasi ay sobrang aktibo at sobra ang PR nito.

Pinagdarasal nila na sana nga ay magkaroon pa sila nang pagkakataong makita si tita Caring at makausap man lang pagkatapos ng pandemya.

Ayuda hindi pa nakakarating sa Baliuag...

Maraming humahanga kay Bulacan Governor Daniel Fernando dahil sinisikap niyang matugunan ang mga daing ng ibang kababayan niya na hanggang ngayon ay wala pang ayudang natatanggap mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Marami ang nabigyan pero marami pa rin ang umaatungal, kagaya na lang ng mga taga-Baliuag, Bulacan. Hindi nga naman tama na nababalitang nabibigyan ang ibang lugar ngunit may mga napag-iiwanan naman. Hiling ng mga ito na sana ay maging pantay ang ayuda para sa lahat. Paging DSWD, ano na po kaya ang nangyari sa ayuda nila?

Kapamilya, hindi basta madurog

Mahirap na nga sigurong durugin ang imahe ng ABS-CBN, dahil kahit hindi pinayagang mag-renew ng prangkisa ng 70 kongresista, heto at nakahanap ng pa­raan ang network para maipalabas ang mga programa nito sa free TV. Mapapanood uli ang mga palabas ng Kapamilya sa A2Z Channel 11.

Sabi nga, when God closes the door, he opens the window. Besides, hinuhulaang makakabangon din uli ang Kapamilya network dahil sa nalalapit na eleksyon para sa mga tatakbong pulitikong nangangailangan ng publicity para maipakilala sila.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with