^

Pang Movies

Jane ‘binura’ ang paglipat sa TV5!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Bakit kaya dinelete ni Jane Oineza sa kanyang Instagram ang pinost na logo ng TV5 na ang caption ay “Handa na ba ang puso mo?”

Sa pinost pang video teaser ng TV5, may photo niya, pero walang binanggit kung saang show siya kasama.

Nag-tsek kami kahapon sa IG ni Jane, pero wala na ang nasabing post. Ano ‘yun, pinagsabihan siyang ‘wag munang magpo-post na kasama siya sa isang show ng TV5? Hindi naman siguro dahil nagbago ang isip niya at nag-back out na sa project?

Dahil kasamang pinost ni Jane ang Brightlight Productions at BrightlightPH, alam ng si Albee Benitez ang kumuha sa kanya. Pagmamay-ari ni Mr. Benitez ang Brightlight Productions na magba-block timer sa TV5.

Rhian, bad ang breakup sa Ex

In fairness, hindi puro body shaming ang comments sa pinost na latest photo ni Rhian Ramos habang nasa lock-in taping siya ng I Can See You: Truly. Madly. Deadly kasama sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. May nag-comment na with her weight, mas younger looking si Rhian at may naniwala namang maganda pa rin ang aktres kahit 15 lbs. ang nawala. May nagsabi pang mataba man o payat, maganda pa rin ang aktres.

May humingi pa nga ng tips kay Rhian kung paano pumayat nang hindi na kailangan mag-gym at mag-diet.

 Marami rin ang naintindihan si Rhian at sa stress at depression na pinagdaanan after her “bad breakup” with her ex-BF, ang Israeli na si Amit Borsok. Naka-set na sa private setting ang IG ng ex ni Rhian na hindi naman inilihim ni Rhian na nag-live in sila. Kaya nga she has to move out sa place na tinirahan niya at naghanap siya ng condo unit na nakadagdag sa kanyang stress.

Nakalipat na si Rhian sa bago niyang condo, kaya nabawasan na ang stress. Balik-trabaho na rin ito, malilibang at hindi na iisipin ang ex. After ng taping ng I Can See You, ang pagre-resume ng taping ng primetime series ng GMA 7 na Love of My Life naman ang kanyang haharapin.

One month silang lock in sa ­taping, kaya malilibang and hopefully, after ng taping, tumaba na siya.

vuukle comment

JANE OINEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with