^

Pang Movies

Sandy, sobrang nanghihinayang sa naudlot na pagsasama nila ni Marian

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sandy, sobrang nanghihinayang sa naudlot na pagsasama nila ni Marian

Hinayang na hinayang si Sandy Andolong na hindi muna matutuloy ang First Yaya, kung saan gaganap siyang nanay ni Marian Rivera.

Excited na excited pa naman siya na makasama si Marian dahil gustung-gusto niya ang ugali at professionalism nito.

Nakapag-taping na si Sandy ng maraming eksena nang bigla magkaroon ng pandemic. Pagkatapos ay hindi naman kaya ni Marian ang lock-in taping at takot sa COVID-19.

Hinayang na hinayang si Sandy sa project na feel na feel niya ang good vibes sa taping pa lang. At sana nga, magkasama sila ulit ni Marian sa iba pang project.

Isa pang gustong makatrabaho ni Marian ay si Christopher de Leon na sana rin ay magkaroon ng katuparan, dahil nakasama na ni Christopher si Dingdong Dantes.

Matutupad ang lahat ng iyan basta mabalik lang sa normal ang lahat, promise.

‘Wicked Fairy...’

Naku, Salve, meron na akong lesson ngayon, basta P150K at P100K ay ayaw ko nang sumali sa issue, dahil mukhang bad omen ang mga figures na iyon, hah hah hah.

Hindi ko naman iyon napakikinabangan kaya ayaw ko nang sumali, o mag-investigate basta tungkol sa pera at lalo na pag ganyang amount.

Lesson learned talaga, iiwasan ko na ang perang ganyan ang amount pag nasali sa isang wala namang wawang issue.

Naku, next time gusto ko milyones na ang pag-usapan para mas malakas ang dating, pag ganyan kaliit na amount, parang ang cheap, kaya iiwas na ako, promise.

At totoo ka, wala namang bayad ang posting sa Instagram kaya dapat walang perang involved, buti pa food na lang ang maging issue ko, mas masarap pa. Hah hah hah. Kahit ako ay ayaw ko na ng intriga dahil ang tanda ko na, 73 years old na ako at hindi ko alam kung bakit nagugulo ang lahat pag may sinulat o sinabi ako, grabe, para bang sobra naman ang relevance ko sa mundo para magulo dahil lang sa isang item?

Hay naku, wicked fairy talaga ang drama ng buhay ko, kainis.

vuukle comment

SANDY ANDOLONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with