^

Pang Movies

Liza, naiyak sa absolute pardon ni Pemberton!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Liza, naiyak sa absolute pardon ni Pemberton!
Liza

Sa sobrang galit ni Liza Soberano sa pagbibigay ni President Rodrigo Duterte ng “absolute pardon” kay US Marine Joseph Scott Pemberton, nagkamali siya sa pagta-type ng pangalan ni Jennifer Laude, ang transgender na pinatay ni Pemberton.

“Sorry for the type i’m so angry I don’t even read my tweets before tweeting. Ughhh typo,” tweet ni Liza.

Nag-trending si Liza dahil sa kanyang mga pahayag via tweets na “Nakakaiyak na sa disappointment” at “So a murderer was just released for good conduct. Are we supposed to just forget that he killed Jennifer Laude because he’s done some good?”

“Another question, you think this murderer (im not even gonna say his name) wasn’t treated fairly but, was it fair that Jennifer Laude was murdered out of hate just because of her sexual orientation. #JusticeForJenniferLaude.”

Sa nag-react at tinawag na “boba” si Liza at ang sabi pa, “Ang boba pala ng babaeng ito. Now naniwala na talaga akong acting lang yung kunwaring matalino cya. Stick to your craft girl. Huwag masyadong pahalata na wala kang alam sa basic comprehension on laws & current events. Lening leni ang peg,” ang sagot lang ni Liza ay “Ouch ang sakit nasaktan ako.”

Ikinatutuwa ng fans ni Liza na vocal na siya sa pagpapahayag ng kanyang saloobin sa mga isyu ngayon, kaya proud sila sa aktres.

Digital concert tickets ni Daniel, sold out agad-agad!

Sobrang na-miss ng kanyang fans si Daniel Padilla dahil sa balita ni MJ Felipe, nag-hang ang KTX sa pag-uunahan ng fans ni Daniel at fans nila ni Kathryn Bernardo na makabili ng ticket para sa Apollo concert ni Daniel Padilla sa October 11.  

Hindi nakakagulat kung sold out agad ang P499 ticket para sa concert sa first day palang na out ang ticket at hindi na aabutin ng Oct. 10, ang last day na makakabili ng ticket.

Concert series daw ang ipoprodyus ng Star Music at Star Events at ang Apollo ni Daniel na isang digital concert ang magki-kick off. Si Daniel din ang in-charge sa creatives.

Mamimigay ng free tickets sa concert ng anak si Karla Estrada this Wednesday sa kanyang Facebook Live show na DearMomshieKarls, kaya tumutok para magkaroon ng ticket ang mga wala pang nabibili.

Jasmine, tatapusin muna ang Descendants… bago si Alden

Sa Live IG video ni Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith, ibinalitang inuuna niyang tapusin ang taping ng Descendants of the Sun at kapag natapos na ang kanyang mga eksena, saka siya magti-taping ng I Can See You: Love on the Balcony na pagtatambalan nila ni Alden Richards.

Maganda ang story ng episode, gaganap na frontliner nurse si Jasmine at wedding video photographer naman ang role ni Alden. Kasama nila sa episode sina Pancho Magno, Denise Barbacena, at Shyr Valdez. Si LA Madridejos ang director nito.

Mukhang love story ang episode nila na tatalakay din sa COVID-19 pandemic. 

Tapos na ang taping ng The Promise na tampok sina Paolo Contis, Andrea Torres, Benjamin Alves, at Yasmien Kurdi. Kasama rin sa cast si Maey Bautista at si Zig Dulay ang director. Istorya ito ng isang balo (si Paolo) na mai-in love sa isang aspiring artist na gagawin ang lahat para maiahon ang pamilya sa kahirapan.

High Rise naman ang title ng episode nina Lovi Poe at Tom Rodriguez as the married couple na magkakaproblema dahil sa magkaibang goals sa buhay. Directed by Monti Parungao, also in the cast are Winwyn Marquez, Tetay Ocampo, and Teresa Loyzaga.

Sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang mga bida sa Truly, Madly, Deadly episode tungkol sa isang professional woman na iniwan ang siyudad dahil kinukutya sa kanyang sex scandal sa isang lalakeng may asawa. Habang nasa probinsya, may makikilala siyang lalake na magpapabago ng kanyang buhay. Kasama nila si Rhian Ramos at sa direction ni Jorron Lee Monroy.

Maganda itong ginawa ng GMA-7 na gumawa ng drama anthology habang hindi pa airing ang kanilang teleserye dahil hindi lang ang Kapuso stars ang nabibigyan ng trabaho. Pati na ang staff at mga director na natengga rin.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with