^

Pang Movies

After 22 years, Sarah Balabagan umaming naanakan ni Arnold Clavio

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
After 22 years, Sarah Balabagan umaming naanakan ni Arnold Clavio
Sarah at Arnold

Pagkatapos ng 22 years, umamin na rin ang kontrobersyal na OFW na si Sarah Balabagan na ang ama ng kanyang panganay na anak ay ang TV host at news anchor na si Arnold Clavio.

Inamin ito ni Balabagan sa kanyang ginawang Facebook Live video.

“Ang ama po ng panganay ko ay yes, si Arnold Clavio po!

“Kaya ko to ginagawa dahil after 22 years, lumabas na naman. Sabi nga nila, walang bahong hindi lalabas. Hindi naman po ako nalungkot dahil by God’s grace, masaya na ako sa buhay ko,” diin pa ni Balabagan.

Twenty years ago, naging bulung-bulungan nga ang tungkol sa pagbubuntis noon ni Balabagan at mabilis na itinuro noon na ama ay si Clavio.

Pero walang umamin sa naturang chismis at basta na lang namatay ang issue.

Naging malapit sina Clavio at Balabagan sa isa’t isa pagkatapos na i-cover ng GMA news anchor ang pag-uwi ni Balabagan mula sa Middle East noong August 1, 1996. Exclusive na istorya ito ni Clavio noon.

Kung matatandaan ay naging kontrobersyal na issue noon si Balabagan nang mabalitang ibibitay ito sa UAE pagkatapos niyang patayin ang kanyang Arab employer dahil sa self-defense. Ginawa pa ngang pelikula ng Viva Films ang buhay ni Sarah Balabagan noong 1997 na The Sarah Balabagan Story na pinagbidahan ni Vina Morales.

“Nagkakilala kami ni Arnold nu’ng panahong ako ay nakapiit pa at dinalaw nila ako doon. Naging close kami noon ni ‘Kuya Arnold’…at nu’ng unuwi ako sa Pilipinas noong August 1, 1996, isa po siya sa mga nag-cover ng kaso ko. Naging exclusive pa nga niya ang story,” sey ni Balabagan.

Nahulog daw ang loob ni Sarah kay Clavio dahil madalas daw siyang patawanin nito. Noong mabuntis at manganak siya, si Clavio pa raw ang nakiusap kay Sarah na huwag umamin na siya ang ama ng anak nito dahil may pinag-iingatan nga raw na imahe noon si Clavio sa publiko.

Pero gusto na ngang itama ni Balabagan ang lahat dahil lalabas din daw ang sikreto na iyon balang-araw.

“Si late ambassador Roy Seneres po ang tumulong sa akin nu’ng ako ay nabuntis.

“Tinulungan niya ako para hindi kumalat sa public. Para hindi masira ang image ko noon at ‘yung image nu’ng taong ‘yun. Kinupkop ako at itinago ni amba­ssador pero ang nakakalungkot, eh, sinasabi nilang siya raw ang ama.

“Paano ‘pag wala na ako sa mundo? Tapos hindi ko ito kinorek? Baka mamaya maging multo pa ito sa anak ko,” dagdag pa ni Balabagan.

Sa kasalukuyan, may five-year old at 1 year old na anak pa si Sarah sa kanyang asawang si Jun Sereno.

Mga anak ni Cesar Apolinario, nagtapos with honors

Kung nabubuhay pa ang GMA News reporter na si Cesar Apolinario, tiyak na matutuwa ito dahil naka-graduate with honors ang kanyang tatlong anak na sina Remus Cesar, Sofia Ysabell, and Athea Joyce.

Pumanaw si Apolinario noong December 2019 dahil sa sakit na lymphoma. Ang kanyang kasamahan sa GMA na si Kara David ang nangakong tutulungan ang kanyang mga anak na makatapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng kanyang Project Malasakit Foundation.

Pinost ni Kara sa kanyang Instagram ang graduation ng tatlong anak ni Apolinario sa Eastern Star Academy at lahat sila ay nagtapos with honor.

“Cesar Apolinario’s kids graduate with honors. Very proud of our Project Malasakit scholars Remus, Sofia, and Athena Apolinario who all graduated with honors this year at Eastern Star Academy. Congratulations! Cesar must be smiling in heaven,” caption pa ni David.

Batman ni Robert Pattinson sa October 2021 pa mapapanood

Maraming DC Universe fans ang natuwa dahil sa first look ng trailer ng bagong Batman movie titled The Batman na ang bida ay ang Twilight star na si Robert Pattinson.

Sa naturang two-minute teaser, pinakita ang Gotham City na sunud-sunod ang nagaganap na krimen at nandiyan si Batman at ang kanyang police partner na si James Gordon, played by Jeffrey Wright, para ma-solve nila ang murder mystery. Makikita rin sa trailer ang mga kontrabida ni Batman na sina Joker, The Riddler, Penguin and Catwoman.

Pinakita rin ang isang card na naka-address kay Batman na ang nakalagay ay: “From your secret friend ... Let’s play a game, just me and you.”

Umani na ng higit sa seven million views in less than 24 hours ang naturang trailer na panimulang marketing campaign ng Warner Bros. na siyang may hawak sa Batman franchise ng DC Entertainment. May higit na $5 billion na ang kinita sa global box-office ang Batman series simula pa noong 1989.

Si Pattinson ang latest actor na magsuot ng Batman costume pagkatapos nina Michael Keaton, Christian Bale at Ben Affleck.

Original playdate ng The Batman ay June 25, 2021. Pero nilipat nila ito for Halloween on October 1, 2021.

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

SARAH BALABAGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with