^

Pang Movies

Sandara, consistent sa pagiging sweet

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sandara, consistent sa pagiging sweet
Sandara

‘Yung sinabi ni Ai Ai de las Alas tungkol kay Sandara Park, Salve, na hanggang ngayon ay napakabait at hindi nagbabago, napatunayan natin iyon nila Rose Garcia nang dalhin tayo ni Aileen Go ng MegaSoft kasama ang lola Budingding ni Sandara sa Korea.

Hitsurang ang dami at puno ang sked niya ng panahong iyon, pero talagang naglaan ng oras si Sandara Park para i-treat tayo ng dinner sa isang Japanese fine dining resto sa Seoul.

At dinala niya pa ang buong glam team niya para makilala tayo, ni hindi siya nagmadali sa oras, at talagang aakalain mo na buong gabi inilaan niya sa atin.

Impressive talaga ang pagmamahal ni Sandara Park sa mga Pilipino, at ‘yung pagmamahal niya sa Pilipinas.

So proud pag naririnig mo na pinupuri niya ang mga lugar at pagkain natin,

Pinoy na Pinoy siya. Totoo Ai Ai, isang precious gem si Sandara Park, ang suwerte sa kanya ni Budingding.

A very loyal and sweet lady, Sandara Park.

Martin at Edu, parehong may respeto sa kanilang guests

Kung talk show naman talaga ang pag-uusapan, Salve, sa mga artista natin, number one talaga ang pangalan nina Martin Nievera at Edu Manzano sa frontliners.

Parehong articulate, witty, grabe ang sense of humor, at talagang alaga ang guests nila dahil marespeto ang mga tanong nila sa mga ito.

Ang sarap panoorin nina Martin at Edu, dahil ang husay ng witty conversations nila ng guests nila.

Wala ring dead air sa dalawa dahil ang bilis nilang sumalo sa anumang topic.

At hindi sila ang tipo ng hosts na Me, Me and Me ang dating, meron silang res­peto sa guests nila kaya maganda ang research nila sa mga ito.

Kahit ilang taon pa ang abutin, hindi pagsasawaan ang talk show nina Martin Nievera at Edu Manzano.

Matalino at mahusay silang magsalita, ano pa ang hahanapin mo?

vuukle comment

SANDARA PARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with