^

Pang Movies

TV5 gustong buhayin ang career ni John Lloyd!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
TV5 gustong buhayin ang career ni John Lloyd!
John Lloyd

Ellen nag-ala mermaid, parang lasing daw ang peg pag kumakanta

Habang bulung-bulungan na may offer ang grupo ni former Congressman Albie Benitez kay John Lloyd Cruz para gumawa ng isang sitcom ala-Home Sweetie Home for TV5, wala namang chika kung may chance pa bang buhayin ng ex niyang si Ellen Adarna ang career niya hindi lang as an actress kundi as a singer.

Lately nga ay panay ang kanta ng former sexy star habang nagpa-piano. At ang favorite niya, ang mga kanta ng Coldplay, particular na ang Yellow.

Pero isang follower niya ang nagsabing parang lasing ang peg ni Ellen pag kumakanta at wala raw siyang naintindihan. Pero binuweltahan siya ni Ellen. “So who’s problem is it kung wala kang na comprehend.

“Don’t worry dai, the universe will adjust itself for you so you will be able to understand everything that is confusing you.”

May mga nagtanggol din kay Ellen na hindi lang daw ito fan ng Coldplay kaya hindi nakaka-relate sa kinakanta ni Ellen.

Bukod dun, nag-ala Little Mermaid din siya habang kinakanta ang Part of Your World na nasa video ng friend niyang si Vito Selma.

Pero habang bumibirit siya ng Part of Your World, ay parang at the same time ay pinapasyal niya ang followers sa new house yata nila ng anak nila ni John Lloyd dahil pinakita nito ang parang room ng anak na si Elias sa second floor ng bagong bahay.

Anyway, mas sexy ngayon si Ellen na maalalang sumailalim sa mental training sa Bali, Indonesia bago nagkaroon ng total lockdown.

Wala namang updates ngayon about John Lloyd pero ‘yun nga ang chika sa pali-paligid, may offer sa kanya para sa isang sitcom na majority diumano sa makakatrabaho ay ang mga dating kasamahan niya sa ABS-CBN.

Matagal nang wala sa showbiz si John Lloyd matapos nga silang magkaanak ni Ellen.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with