^

Pang Movies

Julia protektado ang lovelife!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Julia protektado ang lovelife!
Julia

“Why is everyone asking about my love life? I’m not gonna answer that question ever again,” ang dialogue ni Julia Barretto sa kanyang latest vlog.

Consistent ang pagtanggi ni Julia na sagutin ang issue ng kanyang puso.

Ito ay kahit meron siyang hints na may special someone siya sa mga post niya last May.

More than a year ago nang magkaroon ng kontrobersiya sa kanila ni Gerald Anderson and Bea Alonzo.

Ghosting ang naging issue noon matapos silang gumawa ng pelikula ng actor na Between Maybes.

Maalalang sinabi last April or May ni Julia na : “I’m gonna protect it with all that I have” na ang assumption ng lahat ay nire-refer niya ay ang kanyang bagong boyfriend.

Naging ex niya rin si Joshua Garcia.

So sino nga kaya ang lovelife ni Julia na sabi niya ay nagso-solo siya sa kanyang bagong bahay pero panay naman ang cook and bake niya?

So siya lang kaya kumakain ng mga niluluto at bini-bake niya?

Anyway, sayang kung magkukuwento sana siya ng tungkol sa lovelife sa kanyang vlog, makaka-dagdag tiyak ‘yun ng  viewers and followers.

Sen. Bong nag-positive sa COVID

COVID-19 positive si Sen. Bong Revilla.

Kahapon nga sa kanyang Facebook page ay nagbigay siya ng update tungkol dito.

“Nakakalungkot po na balita - I am COVID-19 positive.

Pero huwag po kayo mag-alala, I am okay. Sila Lani at ang mga bata ay okay rin at sa awa ng Diyos, ay negative naman lahat.

“Kami ay nagpatest at nag-isolate agad matapos may mag-positive sa aming household at isa sa aking mga tauhan.

I was last in the Senate on Monday before all of this, and was last out on Tuesday nung 40th day ni Daddy.

“Sa payo po ng aking doktor ay itutuloy ko ngayon ang aking quarantine, but will be under observation.

“Kasama ang inyong mga dasal, at sa grasya ng Panginoon, makakaraos at malalampasan din natin ito.

“Ngayon pa lang, salamat po sa inyong mga panalangin. Thank you for your prayers.”

Pang-apat na senador si Sen. Bong sa nagka-COVID. Nauna na sina Sen. Koko Pimentel, Sen. Sonny Angara and Sen. Migs Zubiri.

Lahat sila ay magaling na.

vuukle comment

JULIA BARRETO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with