^

Pang Movies

Matteo at Sarah, enjoy sa pulot-gata sa kakahuyan

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Matteo at Sarah, enjoy sa pulot-gata sa kakahuyan
Matteo at Sarah

Trending kahapon sa Twitter ang topic na “Happy Birthday Sarah G” at dumagsa ang pagbati sa kanya ng kanyang Popsters. Timing naman na nasa honeymoon ngayon ang mag-asawa na marahil ay itinaon nga nila sa kaarawan ni Popstar Royalty.

Lalo pang nagkagulo sa Twitter nang mag-post ng larawan si Dra. Vicki Belo na kasama rin ng mag-asawa sa honeymoon.

Sa larawan ay makikita sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na nasa tila isang forest at hinahalikan sa cheeks ng aktor ang kanyang beloved misis.

Sa caption ay sinabi ni Dra. Vicky na nagtanim daw ng coconut tree ang mag-asawa at sa photo nga ay makikita ang itinanim nila.

“Happy birthday @justsarahgph . Thank you @matteog for kissing your wife for us. Now, they planted a coconut tree together that will bear fruit for years to come . May God bless you always and keep you safe,” ang caption ni Dra. Vicki.

Inirepost ng mga fans sa Twitter ang nasabing larawan at kilig na kilig naman talaga ang mga Popsters.

Nag-post din ng series of photos ang isang solid fan ni Sarah at makikita sa larawan na napaka-sweet ng dalawa. Base sa post, nasa Amanpulo Resort sa Palawan ang honeymooners.

Base sa nakita naming ningning ng mata at kaligayahan ni Sarah sa mga larawan, parang ito na yata ang pinakamasaya niyang kaarawan.

Pops, make up ang napagdiskitahan sa pagkainip

Pinatunayan ni Centerstage judge Pops Fernandez na hindi lang sa kantahan siya may ibubuga, dahil pati na rin sa pagme-make up ay maaasahan din ang Kapuso singer.

Sa kanyang latest YouTube vlog ay niregaluhan ni Pops ang kanyang assistant na si Ate Yolly ng total makeover na siya mismo ang gumawa.

Inamin ni Pops na ang kanilang makeover ay dulot ng labis nilang pagkainip sa bahay.

“Wala [siyang] choice kasi wala kaming magawa sa house. You always find something interesting to do at home and this is it,” ani Pops.

Nangako naman si Pops na gagalingan niya ang makeover para sa pinakamamahal na assistant.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with