^

Pang Movies

‘God bless us all’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ewan ko ba pero pag ganitong panahon at meron kang tinawagan o itinext na tao na hindi sumagot, parang medyo natatakot ka at kinakabahan. Hindi ba iyon feeling na baka may nangyari o baka maysakit, kasi nga hindi sumagot.

Pag iyon regular na panahon, iisipin mo, busy kaya hindi naka-reply, pero ngayon parang pag dalawang beses kang tumawag o nag-text at walang reply, kakabahan ka na.

Kasi nga si Gorgy Rula panay daw ang text kay Perry Lansigan pero ‘di sumasagot kaya sabi ko i-check niya baka may nangyari.

Ganun dapat ginagawa ngayon Salve, check agad dahil hindi mo alam ang panahon, sa sobrang delikado, bigla na lang nababago ang sitwasyon.

I hope maayos ang lahat at walang problema, mahirap magkasakit, lalo sa panahong ito na hindi mo na halos alam ang mga nangyayari.

God bless us all.

Iba-ibang pandesal nagsulputan sa Pandemic

Dahil nga sa pandemic, iyon mga batang entrepreneur talagang lumabas. No pun intended, pero dahil sa pandemic, ang daming pandesal hah hah. Meron ube pandesal, cheese pandesal, pandan pandesal, at mga bata ang talagang gumagawa ha.

Sabi ko nga kay Salve bigyan na ng maliit na puhunan ang anak niyang si Aries eh, kasi nga itong anak ni Rey Concha talagang ginawang small business ang Papa’s Butter & Crumbs na gumagawa ng iba-ibang flavor ng pandesal.

Cute ang maliliit na pandesal na talagang ang sarap kainin ha.

Pandemic, hayan, labanan mo ng pandesal, hah hah joke joke.

Nakaka-panic...

Siguro magpa-panic ako kung tulad ni Jun Lalin ay na-lockout nang halos limang buwan sa ibang lugar.

Imagine, kung nasa abroad ka at biglang nahinto ang mga flight pauwi sa Pilipinas at dun ka abutin ng lockdown.

Bongga si Jun Lalin, mula March hanggang ngayon, hindi siya makauwi from Los Angeles sa rami ng restrictions, plus iyon nga, minimal ang flights papunta sa Pinas.

Wow, iyon pag-stay mo sa ibang lugar, iyon magiging uncomfortable ka, ang needs mo na dapat mong harapin, halimbawa maintenance drugs mo, at kung ganun katagal, saan ka mag-stay?

Kung nasa hotel ka, naghirap ka na sa bayarin, kung nakikitira ka naman, wow, kahiya na sa tagal.

Grabe talaga ang perwisyo ni corona ha, iyon virus na dala niya ang daming complications na isinama ha.

vuukle comment

PANDEMIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with