Anne hindi pa alam kung kailan babalik ng bansa
indi pa rin nakakabalik ng Pilipinas sina Anne Curtis at asawang si Erwan Heusaff with their four-month old baby na si Dahlia na doon ipinanganak.
Sa Australia based ang Filipino mom ni Anne with two of her siblings.
Siya lang at ang kanyang younger sister na si Jasmine Curtis-Smith, na nag-a-artista rin, ang nandito sa Pilipinas.
Alam na raw ni Anne, of course, ang tungkol sa hindi pagkaka-approve ng franchise renewal na inihain ng ABS CBN sa Kongreso.
Ang Viva Artists Agency ang namamahala ng showbiz career ni Anne pero solid Kapamilya siya at wala pang may alam kung mapapanood siya sa ibang channel oras na bumalik siya ng bansa.
Sam ang titindi ng kapareha
Ang titindi ng tatlong leading ladies ni Sam Milby sa kanyang upcoming series, Ang Sa Iyo At Akin.
Sina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria at Maricel Soriano lang naman.
Jodi, for the first time, will play a ruthless kontrabida which excites her daw.
Likewise din daw first time niya ito to work with Iza, Maricel and, of course, Sam.
Paolo malalaki na ang Anak how time flies, Salve A.?
Would you believe that former child actor Paolo Contis ay tatay na sa tatlo?
Yes, to three girls. Two with former partner Lian Paz, named Xalene Abriana and Xonia Ailana, and Summer, with the current love of his life, LJ Reyes.
In the news sa kasalukuyan si Paolo, since trending ang movie niyang Through Night and Day, na napapanood sa Netflix.
Weekly, too, napapanood si Paolo sa sitcom na Bubble Gang with Michael V and several other comedy stars bago nagkaroon ng pandemic.
Drew and Iya, walang yaya
Since wala raw silang katulong sa kasalukuyan, full-time dad si Drew Arellano sa dalawang anak nilang lalaki ni Iya Villania, sina Primo at Leon, both turning 5 and 3, respectively this August.
Naka-focus kasi sa kanilang bunso si Iya, ang new daughter ng mag-asawa na si Alana Lauren, na kapapanganak lang.
Iya is breastfeeding Alana.
Pag ok na ang lahat, babalik na rin sa trabaho ang mag-asawa. Iya, with her daily show with Camille Prats, Mars Pa More, at bilang host ng entertainment portion ng daily newscast ng GMA 7, 24 Oras.
Drew has a new program din, Family Time, na magsisimula nang mapanood sa Friday.
- Latest