^

Pang Movies

Alfred walang pinanigan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

I salute Cong. Alfred Vargas. Dahil sa conflict of interest, nag-inhibit siya sa pagboto sa Yes/No sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Dahil isa siyang artista na binigyan ng career ng istasyon, ang buong puso niya ay nasa kapakanan ng Channel 2, pero dahil isa siyang Congressman na representative ng mga tao sa distrito niya, nakita rin niya ang mga puntos na nasilip ng 70 bumoto ng Yes.

Naglaban ang puso at utak ni Cong. Alfred, matagal niyang ipinagdasal ang guidance para sa tamang desisyon, in the end he decided na maging neutral, gumitna, walang pinanigan, let destiny take its course.

Sa dulo nito, malalaman din natin ang tama o mali, sa una magiging emotional tayo, pero sa huli, ang tama pa rin ang mananaig.

I salute you, Alfred. You stick to your stand, hindi ka na-pressure ng kahit ano at ng kung sino.

Ernie Lopez, tanggap ang kapalaran

Ang kailangan sigurong tularan ng lahat sa naganap na ito ay si Ernie Lopez, ang pumalit kay Gina Lopez sa Bantay Bata, kapatid ni Gabby.

He was really a whiff of fresh air nang magsalita siya sa Teleradyo, ang pag-amin niya na mayroon siguro silang nagawang mali kaya maraming galit sa kanila, na baka this event ay makatulong para mas mapabuti pa ang paglilingkod nila, na at least nagbukas ito ng daan para malaman nila na baka may mga bagay sila na hindi nakita o napansin, kaya mayroong may mga galit sa kanila.

Ang galing niyang magsalita, magaan, at parang ang bait-bait niyang tao for a man with power and money.

He was really on his elements in analyzing what is happening, at parang wala siyang galit sa mga nangyari.

Actually, very contagious ang laughter niya na para siyang ordinaryong tao na hindi apektado at tanggap ang desisyon ng Kongreso. Si Carlo Katigbak and Ernie at Mark Lopez ang bagong crush ng bayan sa mga naganap na ito, dahil sila ang larawan ng mga dignified young big boss na talagang ang gaang tumanggap sa anumang sitwasyon.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with