^

Pang Movies

‘We don’t remember days, we only remember moments’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Pag pala nakasanayan mo na ang isang bagay Salve para na rin nagiging normal ang tingin mo rito.

Nasanay na tayo na sa loob ng halos three months naka-lock out sa bahay, ngayon naman parang nasanay ka na rin na hindi ganun karami ang nakikita mo sa loob ng resto, hindi ganun karami ang nasa loob ng parlor, at ang ilang bagay na dati nandiyan o ginagawa mo pero ngayon ay wala na.

Ganun lang pala iyon , basta bigyan mo ng konting panahon at masasanay din ang tao. Totoo ngang ang ikli lang ng pasensiya o interest ng tao sa anuman bagay kaya totoo rin na out of sight, out of mind madalas ang nangyayari. Iyon bang kung dati nandiyan at nawala, parang part na lang ng memory mo. Nasa alaala na lang, wala na sa kamalayan mo.

Totoo rin pala na you don’t remember days, you only remember moments.

Hay naku, kaya pala iyon iba, sikat ngayon, bukas wala na. Kasi nga ganun pala talaga ginawa ang utak natin, nag-a-adjust sa kung ano ang nandiyan.

Bongga talaga si God, ayaw niyang mag-dwell tayo sa isang bagay ng matagal, binubura niya agad ang attachment natin dun para walang complications, walang masyadong regrets.

‘Thank you kahit ‘di ko kilala...’

Ano ba iyan Salve, bakit may mga nagpapadala na walang card at hindi alam nang nag-deliver kung kanino galing. Hindi ko tuloy alam kung kanino magpapasalamat kaya napa-praning ako. Siyempre gusto ko naman mag-text at magpasalamat sa kahit anong bagay na ibinibigay sa akin, like nga ‘yung mga prutas na grapes at mangoes na talagang touching dahil nasa isang box at alam mo pinili talaga ang binigay na prutas.

Sabi raw galing sa Mia Rubio eh wala naman akong kilala na Rubio maliban kay Nini na secretary ni Senator Cynthia Villar, pero wala naman siyang text na may ipinadala siya sa akin.

Kung sinuman ang mabait na tao na naalala ako na padalhan ng grapes at mangoes, thank you po from the bottom of my heart. Love you kahit sino ka man. Hahaha.

vuukle comment

CYNTHIA VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with