^

Pang Movies

Parang teleserye ang dating...

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Parang isa na rin ako sa kinakabahan sa magiging kalagayan ng ABS-CBN franchise renewal.

Para na itong isang teleserye na hindi mo malaman ang twist and turns.

Tuwing hearing ay maririnig mo ang dalawang panig na kahit sabihin mo pang boring na kung minsan, bigla kang masa-shock sa mga revelation na maririnig mo, mga issue na hindi familiar sa iyo.

Actually, fight of two giants ito, ang part ng ABS-CBN, at ang panig na nag-iisip na personal vendetta ito ng administration ni Papa Digong. Ito ang issue na it does not matter what people believe, but what you will make them believe.

Ito ang fight na hindi mo titingnan pa ang issue na ang daming mawawalan ng trabaho dahil mas marami pa ang nawalan sa ibang negosyo. Hindi mo na rin papansinin ang issue ng tax, ang dami naman talagang hindi nagbabayad nang tama.

Hindi mo na rin titingnan pa ang iba pang sinasabi na may anomalya, wala na iyon, ang issue ay kung sino ang mas malakas, ang mas tama sa paningin ng tao, at kung sino ang lalabas na winner o hero.

Ang ABS-CBN ba o ang mga sinasabi nilang kalaban?

Basta, let the justice be given, let it prevail.

In the long run, whoever is the winner, tao pa rin ng Pilipinas ang magwa­wagi. Dito mo pa lang makikita kung sino si David o si Goliath.

Mga artista ng Star Magic, tutularan si John Lloyd?!

Palagay ko kahit pa nga sabihing anxious na halos lahat ng artista ng Star Magic sa sinasabing contract suspension, marami pa rin sa kanila ang puwedeng maghintay sa tamang panahon bago gumawa ng desisyon.

Almost two years walang trabaho si John Lloyd Cruz pero hindi nagmadali magdesis­yon, ganyan din ang narinig ko sa parte nila Bea Alonzo at Piolo Pascual. Ito iyon mga artista na siguro solid ang financial standing kaya hayun at puwede mag-stand by muna, hindi magmadali habang hindi pa maganda ang sitwasyon.

Maraming balak ang Channel 5, lalo na ang mga blocktimer na gustong mag-produce para sa mga show na puwedeng gawin para sa istasyon nila, pero siyempre, nakikinig lang muna ang marami kung hanggang saan ang balak, kung ano ba ang makakabuti para sa kanila.

Wait and see pa ang lahat, waiting, pero meron puwede pa sa long wait.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with