^

Pang Movies

Panic mode...

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Panic mode na ang nadarama mo sa paligid ha.

Panic dahil everyday hindi nadaragdagan ang good news, lagi pa ring bad news ang pumapasok.

Kaloka ‘yung nangyari sa Jolo, iyong barilan ng mga pulis at sundalo, na apat na militar ang namatay.

Kaloka rin na ang dami pa ring umuuwi na OFW na nawalan ng trabaho. At kahit na sinabi ni Sec. Harry Roque na congrats dahil hindi umabot sa 40K ang infected ng coronavirus last June, patuloy pa ring dumarami araw-araw ang bilang ng mga nagkakasakit nito.

Sobra na, pero ang nakakaloka, hindi lang sa bayan natin, kundi buong mundo nagaganap ang pandemic. Na parang hindi mo na rin makita ang dulo, kung kailan hihinto.

Para bang tuluy-tuloy lang ang takbo ng araw, pero ganun pa rin ang nagaganap.

The only gold lining eh ‘yung patuloy pa ring nagpipilit ang lahat na maging matatag at makatayo.

Lahat kailangang tulungan. Lahat kailangang mayroong gawin.

Talagang totoo, we are in this together, so we heal as one.

Please spread kindness. Be more softhearted. Please. 

Happy days, nakaka-miss na

I feel sad, Salve, pag nasa Annabels ako at naiisip ko ang mga presscon na ginagawa natin doon. Miss ko ang ingay ng Annabels, dahil halos lahat ng waiters doon kilala na natin.

Iba pa rin ang ambience ng Annabels, na kumbaga parang house-resto na ng mga taga-showbiz.

Parang playground na natin ang lugar, at you feel that certain welco­ming air pagpasok mo pa lang sa loob. Mayroon pa nga akong favorite guard doon, favorite waiter, basta, sobrang feel at home ka sa lugar na when you think of a place to meet, Annabels agad ang papasok sa utak mo.

Hay naku, kailan kaya uli babalik ang happy days natin sa Annabels! 

vuukle comment

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with