^

Pang Movies

Darna malabo nang makalipad!

Vir Gonzales - Pang-masa
Darna malabo nang makalipad!
Jane

MANILA, Philippines — Napakabagsik talaga ng kamandag ng virus na COVID-19 galing sa China. Imagine, maging ang pamosong comic character na si Darna ay parang hindi na makakalipad.

Sayang at nag-ensayo pa naman nang husto ang newcomer na si Jane de Leon pero tila may sign na hindi na talaga paliliparin si Darna dahil noong si Liza Soberano ang dapat sanang gaganap ay naaksidente naman ito at nabalian ng isang daliri at nang palitan naman siya si Jane, COVID naman ang perwisyong naka-encounter ni Darna.

So tuluyan na kayang mamahinga si Darna?

Angel ayaw tantanan sa bentang na kumakampi sa mga ‘kalaban’

Bakit nga kaya kinukuwestiyon ang pagtulong ni Angel Locsin sa mga kababayan nating nakararanas ng delubyo sa COVID?

Bakit kailangang haluan ng malisya ang ginagawang kawanggawa ni Angel?

Pinakahuli nga niyang tinulungan ang mga jeepney driver na ipinakulong dahil sa paglabag sa quarantine protocol matapos na mamalimos ang mga ito.

Sa mata ng mga tao, kadakilaan ang ginagawa ni Angel, pero sa iba ay pagkampi ito sa mga kalaban.

Kawawang Angel, gumagawa na nga ng kabutihan, pinupulaan pa.

Amalia hindi makalimutan ng kapatid

Birthday ni Alex Muhlach noong June 8 at nagkaroon lang ng simpleng selebrasyon sa bahay niya matapos nga silang ma-lockdown sa kanyang resort sa Tali Beach, Batangas.

Nalulungkot si Alex dahil every year kahit bed ridden ang yumaong kapatid, ang movie icon at movie queen na si Amalia Fuentes  ay palagi itong may birthday gift sa kanya.

Anyway, siya ang nagpagawa ng libingan para sa kapatid na si Nena (Amalia), at binigyan niya ito ng maayos na puntod. Hindi man ito personal na inasikaso ni Alex pero siya ang gumastos para rito.

Wala na kasi si Liezl Martinez na nag-iisang anak ni Nena at ang kabiyak niya ring si Romeo Vasquez ay wala na rin.     

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with