^

Pang Movies

Paolo at LJ, very tight ang pagsasama

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang ganda raw ng kinalabasan ng online interview nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Talaga namang masarap isalang sa interview si Paolo dahil napaka-witty nito aside from natural comedian at ang daling maka-pick up sa pinag-uusapan.

Mukhang very tight ang pagsasama nila ni LJ Reyes lalo na nang magkaroon sila ng anak.

Salamat naman at kahit na ang dami nilang pinagdaanan bago natagpuan ang isa’t isa, hayun at masasabing they met at the right time.

Mukhang at peace at maayos na ang lahat sa buhay ni Paolo, at mukha namang natagpuan na rin ni LJ ang hinahanap na katahimikan sa buhay.

Sana nga ay magtagal pang lalo at magkatulu­ngan sa buhay sina Paolo at LJ. Praying.

Mga taga-showbiz biglang nasabik sa trabaho

Sana naman mag-umpisa na ang trabaho ng mga taga-showbiz. Sa tagal ng bakasyon nila, sure akong very active na ngayon ang creative juices nila.

Tuwing may interview sa kanila, ang sinasabi nila ay sabik na sila sa taping at nami-miss na nila ang taping.

Sana nga katulad sa ABS-CBN na naglabas na ng pahayag na patuloy na ang taping ng Ang Probinsyano at Love Thy Woman at iba pang shows, ay maglabas na rin ang GMA 7 ng mga bago nilang ihahandog sa viewers.

Ang Bubble Gang ay mag-uum­pisa na, si Willie Revillame naman ay matagal nang nagla-live.

Balitang nag-uumpisa na uli ang Eat Bulaga sa studio nila.

Siguro mag-a-announce na rin ang GMA kung anu-anong programa ang dapat abangan ng publiko.

Trabaho na please, gusto na ni Salve um-attend ng presscon at set visit, kung puwede na noh!! Hahaha.

Maraming Pinoy, mas gusto na sa probinsiya

Nakita ng marami ngayong pandemic na mas maganda sa probinsiyang mamuhay.

Madalas kong napapanood na sinasabi ng mga na-stranded sa Metro Manila na gusto na nilang umuwi sa probinsiya nila at doon na lang magtrabaho. Siguro nga, dahil hindi naman ganoon kataas ang way of living sa probinsiya na kahit kaunti lang ang income mo ay mas madali pang mamuhay.

Mas marami pa ngang opportunities na makikita mo rito dahil kaunti lang ang kakumpetensiya. Kung mabubuksan lang siguro ang ibang industry sa province at maraming trabaho na puwedeng gawin, baka nga mas madali para sa kabataan ngayon na isiping mas maganda pa ang chances kung sa province sila mag-stay.

Mapalakas sana natin ang income-generating chances lalo na sa mga malalaking probinsiya.

Balik-Probinsiya program, sana nga, para mas maganda ang buhay ng lahat. 

vuukle comment

LJ REYES

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with