^

Pang Movies

Sakang ang nasa video... Kim tinangging sumayaw sa EDSA!

Salve V. Asis - Pang-masa
Sakang ang nasa video... Kim tinangging sumayaw sa EDSA!
Kim

MANILA, Philippines — Magpaliwanag kaya Kim Chiu sa Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos mag-viral ang isang super short video na umano’y sumasayaw siya sa EDSA.

Nauna na itong itinanggi ni Kim na fake new ang tungkol dito.

“Thank you for all the support classmates’ super few stocks left!!!Thank you for supporting the shirt for a cause and sa nagpapakalat ng fake news na sa edsa ako sumayaw, hello?!!! Okay ka lang??? Bakit ako sasayw sa gitna ng edsa. Takot ko lang.DYOS KO. Please stop spreading FAKE NEWS. Please lang. Moms @iamangelicap sa edsa daw yung PARKING LOT ng tipsy pig?... kaya pa ba? Ikaw na nagdeliver ng merchandise, ikaw pa pagbibintangan ng fake news... hay.... life...... hindi po biro magbenta ng merch, first time kong ginawa to pero okay lang I know this is for a good cause. let’s spread love not hate. COVID ANG KALABAN NATIN, HINDI ANG KAPWA TAO.please lang, stop spreading #fakenews.”

Kung sabagay, parang hindi naman talaga si Kim ang katawan ng nasabing video. Sakang ang tindig nung nasa video? Sakang ba siya? Saka parang hindi ganun kapayatot ang legs niya.

Kaloka ang fake news. Iba na rin ang level.

Ayun din sa sister ni Kim na si Ate Kam, never nagpunta si Kim sa EDSA.

Rolex watches nilimas ng looters

Grabe na ang looters sa Amerika.

Bukod sa mga luxury brand ng bag, nilooban din nilang ang Rolex Store in Soho.

At ang nakuha ng mga looter, worth $2.4 (120 million pesos). As in nasaid daw ang mga relos sa loob ng tindahan ng Rolex.

Pero ang mga Apple Iphone daw na ni-loot, naka-monitor ang lahat ng mga kumuha.

Namimili sila ng mga mamahalin ha.

Nag-umpisa ang nagaganap na kaguluhan sa Amerika matapos ngang mamatay ang black American na si George Floyd sa kamay ng pulis.

Sumisigaw sila ng racial discrimination at last Tuesday nga ay nagkaroon #BlackoutTuesday kaya napuno ang lahat ng social media platform ng black image na ang hashtag ay #BlackLivesMatter na sinalihan pa nga mga artista natin.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with