^

Pang Movies

Hollywood producer na dyowa ni Lovi abala sa pagpuso sa Malaya!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Suwerte talaga si Lovi Poe sa boyfriend na si Monty Blencowe dahil very supportive ito sa showbiz career ng girlfriend.

Lately ay madalas na nai-post sa social media ang Malaya, ang iWant digital movie ni Lovi with Zanjoe Marudo na kinunan last year sa iba’t ibang lugar sa Italy.

Kung itse-check mo ang mga like sa postings tungkol sa Malaya, makikitang isa sa madalas na mag-like ang Hollywood producer-boyfriend ni Lovi.

Nakatutuwa nga ang ganoong gesture ni Monty.

Actually, bukod sa iWant streaming service ng ABS-CBN, pati sa TFC.tv streaming service ay napapanood na rin ang Malaya.

So, worldwide itong napapanood kaya hindi ako magtataka kung mabalitaan ko na nanood na no’n si Monty, huh!

Gabby nagbenta na rin ng disinfectant mat at tray

Ang bongga naman ng pagiging supportive ni Gabby Concepcion sa isang kaibigan.

Nakatsikahan ko ang talent manager na si Therese Ramos na dating tumutulong sa career ni Gabby at naikuwento niya sa akin na malaking tulong ang aktor sa pagtitinda niya ng disinfectant mat and tray.

Tinutulungan daw siya ni Gabby na makapagbenta sa mga kaibigan ng aktor.

Actually, si Gabby raw ang nag-aalok sa mga kaibigan na bumili ng paninda ni Therese.

Ang bongga ng pagtulong ni Gabby sa kaibigan, ‘noh?! Nakaka-happy nga ang ganoong ugali ni Gabby, huh!

Alam mo naman, Ateng Salve, sa panahon ngayon ng COVID-19 pandemic na mahirap kumita, kung ano-anong raket ang naiisipan ng lahat at masaya nga si The-rese na nakakatulong si Gabby sa kanyang mga ibinebenta.

Nice! ‘Yun na!

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with