^

Pang Movies

Anne nilantad kay Luis ang anak!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ang tweet ni Luis Manzano na “Thank you for letting me meet Dahlia Today @annecurtissmith! What a birthday gift!”

Obvious na ipinakita ni Anne kay Luis ang baby nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie at kabilang na si Luis sa iilang celebrity friends ni Anne na nakita na ang buong mukha ni Baby Dahlia.  Ang pinost kasi na photo nina Anne at Erwan ng baby nila, side view lang.

Anyway, waiting na rin ang fans ni Anne na makita ang full photo ni baby Dahlia at kung kailan mangyayari ‘yun, abang-abang na lang.

Samantala, pinost ni Anne ang old photo nila ni Luis noong mga bata pa sila at ang litrato nila ang ginamit para batiin ng kanyang 39th birthday si Luis noong April 21.

Tom umaming last year pa ang huling suweldo!

Kabilang si Tom Rodriguez sa nakasama sa Gabi ng Himala: Mga Awit at Kwento na isang online fundraising event para sa displaced film workers. Ginawang musical performances, scene interpretations at panel discussion ng iconic film na Himala.

Si Ricky Davao ang nakasama ni Tom sa interpretation nila ng isang eksena and presented by Lockdown Cinema Club, Ricky Lee Scriptwriting Workshop, at Sagip Pelikula.

May mga nagulat lang sa pagkakasama ni Tom sa project na ipinalabas sa FB page ng ABS-CBN dahil Kapuso talent daw ang aktor. Nakalimutan ng mga nagulat at nagtanong na kasama rin sa Gabi ng Himala sina Dingdong Dantes at Marian Rivera at Aicelle Santos na Kapuso talents din.

Samantala, pinuri ng netizens si Tom sa sagot nito sa isang nagtanong kung bakit kinailangan pa mag-donate sa online fundraising na Guhit Pantawad na kasali ang aktor. Bakit daw hindi na lang si Tom ang mag-donate.

Sagot ni Tom: “I have been. Pero as much as I would like to extend my help financially to everyone who asks for it, at this point I am stretched thin na din. Last year pa yung last taping ko na sumweldo ako meanwhile I still have employees na pinapasahod and nakaisa lang ako na hosting gig before the ECQ was enacted with all my work being cancelled. This is the next best thing I can think of to stay productive and offer help directly to those in need.

“This call to action is only offered up to those who have a bit to spare (500 php) at kapalit po dun yung pag guhit ng artwork na sana po wag din naman maliitin kasi hindi naman sya ganun kadali gawin. I hope you get through this pandemic amidst the fear and anxieties of job/financial security and health scares. I pray we all do.”

Napahiya yata ang nagtanong dahil ang kasunod na comment, mabait na at nag-good luck pa kay Tom.

Totoo ang sinabi ni Tom na last year pa siya tumanggap ng talent fee sa GMA 7 dahil July 2019 pa lang, nagti-taping na sila ng primetime series na Love of My Life. This year lang ipinalabas ang teleserye kung saan, four weeks lang ang karakter ni Tom dahil namatay ang karakter niya.

Heart namigay ng ayuda sa mga nasa kalye

Pinost ni Heart Evangelista ang pack na ipinamimigay niya sa mga taong nasa kalye na kailangan ng protection sa Covid-19.   

Ayan, hindi lang mga taga-Sorsogon at mga may sakit na naghihingi ng tulo ng kay Heart via Twitter ang kanyang tinutulungan. Kahit ang hindi pa  nabibigyan ng tulong ni Heart, nagpapasalamat na.

vuukle comment

ERWAN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with