^

Pang Movies

Edward nataranta nang mabuko ang girlfriend

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Edward nataranta nang mabuko ang girlfriend

Natataranta na raw si Edward Barbers at mukhang natakot na masisira na ang kanyang career matapos na mabulgar na may iba siyang syota at hindi ang ka-loveteam niyang si Maymay Entrata.

Bakit, ano na ba naman ang naabot ng love team nila para matakot siya nang ganoon?

Tingnan mo si Joshua Garcia, nag-survive at mas sumikat pa noong mawala sa love team.

Koreanovela mas pumatok pa

Tingnan ninyo, dahil sa kadadaldal ninyo, lalong marami ang naghahanap ngayon ng Koreanovela. Kasi narinig nila na marami palang mga poging leading men ang mga iyon. Madaldal kasi eh. i-quarantine na nga muna ang kadaldalang iyan.

Kim ang daming pa-cake

Nag-celebrate ng kanyang birthday si Kim Chiu. Trenta na pala si Kim. Hindi na masasabing bata pa siya. Siguro nga naisipan niyang mag-celebrate kahit na may lockdown at sila mismo ay jobless sa ngayon. Alam naman natin na ang kita niyang mga artista, per project lamang at binabayaran lang sila kung may taping, eh sa ngayon wala.

Pero dapat nga niyang ipagpasalamat na nakaligtas doon sa nagkamaling ambush na hindi naman pala siya talaga ang target, pero sasakyan niya ang niratrat ng bala. Nagtataka lang kami, pagkatapos noon at may umamin na naniniwala siyang hindi si Kim kundi siya talaga ang target ng mga gun men, wala na yatang nahuling suspect.

Ipi-nost ni Kim sa kanyang social media account ang kanyang celebration. Bongga. Kumpleto ang pamilya niya, at napakaraming pagkain. Iisipin mo, mauubos kaya nilang lahat ang mga pagkaing iyon. Iyon lang cake napakarami na. Kung iisipin mo, ano kaya ang sasabihin noong mga walang makain at nagugutom na, iyong mga taong isang buwan nang nagdidildil ng sardinas kung mayroon, at kung wala ay buntong hininga na lang ang kasunod ng subo ng kanin, kung may makikitang ganyan?

Ok naman siguro na mag-celebrate kahit na gaano pa kabongga ang gusto mo, after all may pera ka naman at kaya mo. Wala ka namang iniistorbong iba, at ano ba ang pakialam ng mga tao sa iyo? Pero sana maging sensitive naman tayo sa sitwasyon natin ngayon.

Hindi biro, at hindi sekreto na marami sa ating mga kababayan ang umaangal na. Nawala ang kanilang trabaho. Nawala ang iba pang mapagkaka­kitaan. Naubos na ang kaunting naitabi, kaya umaasa na lang ngayon sa relief kung may dadating. Tapos makakakita ka nang ganyan.

vuukle comment

EDWARD BARBERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with