^

Pang Movies

Meghan at Prince Harry nagpaka-ordinaryo nang mamigay ng pagkain sa mahihirap

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Meghan at Prince Harry nagpaka-ordinaryo nang mamigay ng pagkain sa mahihirap

Na-report sa TMZ TV at may photo pa nina Prince Harry at Meghan Markle na nag-deliver ng food sabi ng TMZ “needy folks in Los Angeles.”

Sa litrato, naka-face mask si Meghan, si Prince Harry naman, parang panyo ang ginamit na face mask. May hawak na parang map si Meghan para siguro ‘di sila maligaw.

Simple lang ang suot ng former royal couple sa pag-deliver  nila ng food, naka-rubber shoes pa nga si Meghan at si Prince Harry, t-shirt ang suot. First public sighting daw ‘yun ng couple mula nang lumipat sa LA.

Sa nabasa naming comment, pinuri sina Prince Harry at Meghan dahil pinanindigan ang pagiging normal na tao. Pero, may mga komontra dahil PR stunt lang daw ang ginawa ng couple.

Janella sinugod ng DDS

Nag-react ang supporters ni President Rodrigo Duterte sa tweet ni Janella Salvador na “This pandemic showed us how unbelievably embarrassing our government is. Please. Vote wisely next time.”

Sinundan ni Janella ang kanyang tweet ng isa pang tweet na “puro ka reklamo wala ka nmn ambag” na kunwari, sasabihin ng supporters ng pangulo na hindi nagustuhan ang unang tweet.

Sinugod si Janella sa Twitter at Instagram (IG) at sinabihan na sana tumulong na lang siya kesa sisihin ang pangulo at ang gobyerno. Meron pang sa sobrang galit kay Janella, tinawag siyang “bobo” at may mga nag-unfollow sa kanya sa socmed dahil nakaka-disappoint daw ang ugali.

Ikinumpara si Janella kay Angel Locsin na marami ang naitutulong, pero ni minsan, hindi sinisi ang gobyerno at ang pangulo at nakikipagtulungan pa nga. Si Janella raw, wala silang nababalitaan na itinulong nito sa panahon ng COVID-19 tapos nagtu-tweet pa ng hindi maganda para sa gobyerno ng bansa.

Napansin namin, hindi dinelete ni Janella ang hate comments at hate tweets sa kanya, sabagay, nasala na ang comments sa kanya sa IG dahil naka-set sa “comments on this post have been limited” ang IG niya.

Ping bubuwelta ng demanda?!

Sasagutin ni Ping Medina ang akusasyon sa kanyang sexual harassment after niyang makipag-usap sa kanyang abogado. Sagot nito kay MJ Felipe ng ABS-CBN, “Hi MJ. Our country has bigger problems than this atm. I will give a statement after conferring with my lawyers. Thank you.”

Ang dating ng mga nakabasa sa sinabing ito ni Ping ay magdedemanda siya at kung sino ang idedemanda, ‘yun ang aabangan namin.

Hindi maganda ang isyung ito kay Ping lalo na at pati pamilya niya ay idinadamay. Pati ang kapatid na si Alex Medina nababanggit na ng netizens, kailangan nga namang sagutin na ni Ping ang isyu.

vuukle comment

MEGHAN MARKLE

PRINCE HARRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with