^

Pang Movies

Christopher dalawang beses nakailag kay kamatayan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Christopher dalawang beses nakailag kay kamatayan

Nag-usap kami ni Christopher de Leon sa phone kahapon.

Mula nang lumabas siya ng hospital ay kahapon  lang kami nag-usap dahil hinayaan ko siyang magpahinga at tumawag lang pag nasa maganda na siyang timpla.

Sabi ni Christopher, sana raw kahit once a year ay magkaroon ng lockdown, ang laki raw pala ng nagagawa nito sa tao, iyong total rest ng physical at mind, iyon emotional reawakening, iyong nagagawa nitong clearing hindi lang sa tao kundi sa paligid.

Na-feel daw niya iyon linis ng hangin ngayon, hindi tulad noon na malala ang humid sa paligid.

Spiritually, ang lakas daw ng naging tama sa puso niya dahil lahat parang naka-stand still. Gustong-gusto niya iyon mass sa EWTN channel ng Catholic church, nakababad daw siya doon at iniiwasan niyang manood ng news dahil naa-upset siya sa mga balita ng COVID-19.

He will also donate his blood for the plasma na puwede magpagaling sa tinamaan ng virus.

Twice nang nasa brink of death si Christopher de Leon, iyon una sa disgrasya sa taping at pangalawa ngayon na tinamaan siya ng coronavirus.

Talagang feeling blessed at love siya ni God kaya ganoon na lang ang gratitude niya sa lagi na pagliligtas ni God sa buhay niya. Amen.

Bernard ‘di nakakalimot 

Naku sure ako iyon isang gloves na ka-partner ng isang ipinadala sa akin ni Bernard Cloma ay ipamimigay niya sa iba.

Saan ka nakakita ng gloves isa lang ‘di bah, pero at least touching iyon gesture ni Bernard na pinadalhan ako ng mac & cheese, biscuits at alcohol at santambak na face mask. Touching din na naisip niya na tumawag at mangumusta at iyon nga bigyan ako ng mga anik-anik.

Hahaha, alam mo naman si Bernard sabi  niya merong chocolates, surprise na small supot at dapat isang pair iyon gloves, pero nagbago ng isip at siguro binawasan habang hinihintay ang grab, hahaha.

Pero kahit kung minsan eklayero si Bernard na hanggang ngayon waiting pa si Lynette sa gloves ni Manny Pacquiao, very sweet siya para magpadala.

Thank you Bernard Cloma, pero hanapin ko sino binigyan mo ng isang Mayweather gloves, chocolate at surprise supot, ikaw talaga, cost cutting.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with