^

Pang Movies

Robin inaabangan ang tulong sa mga nawalan ng kita sa showbiz

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Robin inaabangan ang tulong sa mga nawalan ng kita sa showbiz

Gusto ko purihin ang ABS-CBN at GMA-7 sa ginawa nilang hakbang na itigil muna ang live shows at taping habang nandito pa ang panganib ng coronavirus.

Maganda ngang lahat ay nasa bahay muna, iwasan ang paglabas-labas para hindi kumalat ang virus.

Ang ganda rin nang ginawa nila na kahit 50 percent ay ibigay ang TF dun sa mga taong apektado ng pagtigil sa trabaho ng one month.

Dito mo makikita ngayon ang panawagan ni Robin Padilla na sana ay gawin niya  ang humingi ng tulong sa mga artista na sabi nga niya kumikita ng malaki para tulungan ngayon ang mga apektado ng hinto-trabaho.

Alam ko na maraming big stars natin ang malaki ang puso at laging tumutulong lalo na sa staff and crews, dun din sa mga mas mahirap na taga-showbiz.

Ngayon higit sa lahat kailangan ang tulong ng bawat isa. Tulu­ngan lang iyan, hanggang maayos ang lahat.

Willie inaasahan ang pagtulong

Happy ako na at least sila Kris Aquino, Joshua at Bimby ay in-invite ni Willie Revillame sa kanyang private resort. Sa may Puerto Galera yun na binili ni Willie na island, meron din sa Tagaytay at hayun nga meron siyang helicopter at yate.

Isa si Willie na puwedeng asahang magbigay sa mga affected showbiz workers sa nagaganap na community quarantine sa kasaluku-yan. Dahil natikman din ni Willie ang hirap, sigurado ako na siya mismo alam ang feeling ng hinto-trabaho.

Sana nga, mauna si Willie na magpakita ng generosity by giving his staff the pay na puwede mawala pag huminto ang trabaho. Pay forward, iyon ngayon ang dapat gawin ng malalakas kumita sa showbiz, share the blessings, spread the joy.

One industry, one heart.

Start the ball rolling Willie Revillame, start with your staff, share with them your blessings, ‘di ba Karen Martinez?

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with