^

Pang Movies

Ogie at Ian concert, sa june na itutuloy

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ogie at Ian concert, sa june na itutuloy

Marami na ang nangungulit ng bagong schedule ng KilaboTitos concert nina Ogie Alcasid at Ian Veneracion.

Kung matatandaan, dapat ay sa March 20 & 21 ‘yon sa New Frontier Theater pero dahil sa lumalalang problema sa COVID-19 ay nagdesisyon si Ogie at ang mga kasosyo niya sa A Team na i-reschedule ‘yon.

Malamang na sa June ang bagong schedule ng concert nina Ogie at Ian, pero may inaayos pa, kaya this week daw ang announcement ng final dates ng KilaboTitos.

Samantala, ilang show promo­ters ang nag-i-inquire na para dalhin abroad ang KilaboTitos.

Samantala, noong nag-presscon sa Soru Izakaya Japanese restaurant ang KilaboTitos at kantahan nina Ogie at Ian ang entertainment press and bloggers ay magbiro sila na pupuwesto sila sa nasabing restaurant tuwing Tuesday.

Joke lang ‘yon ng dalawa.

Na-happy lang sila dahil sa magandang pag-aasikaso ng mga taga-Soru Izakaya sa kanilang presscon.

Ara may bagong restaurant na naman

Ang mag-sweethearts na Sunshine Cruz at Macky Mathay sa opening ng Hazelberry, ang sweet and pastry shop/restaurant ni Ara Mina sa Molito, Alabang noong Sunday.

Half brother ni Ara si Macky at tatay nila si Chuck Mathay na sumuporta rin kay Ara sa 4th branch grand opening ng kanyang business.

Magaling makisama si Ara sa mga katrabaho sa showbiz, kaya naman maraming sumuportang celebrity sa kanya.

Ang Concert King na si Martin Nievera ang nag-ribbon-cutting at ilan sa mga celebrity na nagpunta doon ay sina Alice Dixson, Tirso Cruz III and wife Lynn at iba pa.

Marami ang masaya para kay Ara dahil matagumpay ang Hazelberry business niya.

Marami na rin naging negosyo noon si Ara na hindi naging matagumpay.

Anak ni Ruffa excited mag-aral sa abroad

Naaliw ako kay Ruffa Gutierrez habang katsikahan ko siya kahapon.

Napag-usapan namin ang pag-aaral ng college abroad ng panganay niyang si Lorin Gutierrez.

Sabi talaga ni Ruffa, graduating na si Lorin at sa August ay mag-start na ito ng college abroad.

Nagulat ako sa dialogue ni Ruffa kaya kinorek ko siya at saka lang niya na-realized na after this school year, may isang taon pa sa high school si Lorin. “Yeah, next year pa pala siya ga-graduate,” sey ni Ruffa.

Nalito lang daw siya dahil ngayon pa lang ay nag-i-inquire na sa mga university abroad si Lorin.

Mukhang tuloy na tuloy yata ang pagka-college ni Lorin sa ibang bansa.

‘Yun na!

vuukle comment

IAN VENERACION

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with