^

Pang Movies

Hiram lang pala Alden itinanggi ang Ferrari

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Hiram lang pala Alden itinanggi ang Ferrari
Alden

Itinanggi ni Alden Richards na kanya ang minamaneho niyang Italian luxury sports car na red Ferrari na nai-post niya sa kanyang Instagram story. Ipinahiram daw lamang iyon sa kanya ng isang kaibigan for one week at ipinapa-test drive sa kanya. Una naming nakita ang said Ferrari last Sunday, March 1, sa noontime show na All-Out Sundays, dalawa nga iyon, black ang isa, at props ng show sa pagsisimula ng summer. Kaya maaari ngang ipinahiram lamang iyon kay Alden para i-test drive.

Pero mukhang hindi type ni Alden ang Ferrari dahil kahapon, March 8 ay nakita raw siya sa BGC at sabi raw ay isosoli na niya ang sports car. Dami na ring cars kasi ni Alden at meron na rin siyang motor bike. Noong isang araw ay may idineliber na isang motorbike kay Alden, pero para raw naman iyon sa ama, kay Daddy Bae, na siya palang mahilig mag-motor. Tignan pa rin natin kung totoong isinoli ni Alden ang Ferrari.

Noong isang araw ay nagpa-set up naman si Alden kay Paulo Avelino ng kanyang PC gaming table, at maraming humanga nang ipinost niya ito sa kanyang IG story. Iyon lamang naman ang nakakagiliwang laruin ni Alden kapag hindi siya masyadong busy. Kung anuman daw ang meron siya ngayon, pinagtrabahuhan at pinaghirapan naman niya. Last week walang tigil sa trabaho si Alden, bukod sa pagri-report niya sa Eat Bulaga, may photo shoot din siya ng Boardwalk at kung Sunday, dalawang shows ang ginagawa niya, ang All-Out Sundays ay 12:00 noon at sa gabi, siya ang host ng musical competition for kids na Centerstage.

Next week, four days siyang magti-taping ng fantasy drama na Daig Kayo Ng Lola Ko na mapapanood sa four Sundays ng April.

Ang bilis din ng panahon, parang kailan lamang nag-open ang McDo Biñan sa Laguna ni Alden, pero magsi-celebrate na pala ito ng first anniversary sa April 27, at magsisimula ang celebration at 7:00 AM at may freebies silang ipamimigay tulad ng tumblers at tote bag.

TikTok patok na patok sa mga artista

Nakakagiliwan ng mga artista ang pagti-TikTok. Pampaalis nila ng pagod at form of exercise na rin daw sa kanila. Kani-kaniya silang gawa ng sayaw. Noong isang beses, nag-post si Aiko Melendez na sumasayaw sila ng beshie niyang si Darcy, sa set nila ng Prima Donnas. Then nag-post din si Carla Abellana ng TikTok na ang sumasayaw ay sina Rhian Ramos, Samantha Lopez at si Ms. Coney Reyes, sa set ng Love Of My Life. Sa susunod daw ay sasama na siya sabi ni Carla.

At hindi nagpahuli ang Alpha Team ng Descendants Of The Sun Ph. na binubuo nina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Jon Lucas, Lucho Ayala at Prince Clemente. 

Kahit ang mag-asawang Dingdong at Marian Rivera, nang mag-guest sila sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga last Saturday, nag-TikTok din sila na lalong nagpasaya sa audience.  Pareho pa namang mahusay sumayaw ang mag-asawa.

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with