^

Pang Movies

Matteo nagpasaring sa pamilya ni Sarah?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Pasaring ba sa pamilya ni Sarah Geronimo ang ipinost ni Matteo Guidicelli sa kanyang Instagram story kahapon?

Nag-post si Matteo ng quotation from Angelina Jolie na ganito ang nakasaad:

“If you don’t get out of the box you’ve been raised in, you won’t understand how much bigger the world is.”

Obvious na patungkol ito sa pamilya ni Sarah and in fairness, wala namang masama sa statement. Tama naman, actually.

Samantala, halatang enjoy na enjoy si Matteo sa kanyang bagong buhay bilang may asawa. Panay ang post niya ng mga gift sa kanila ni Sarah from friends.

Ipinost niya ang gift sa kanila na dinnerware and glassware at may post pa siya ng couple coffee mug na obviously ay para sa kanila ni Sarah.

Nakita rin silang nag-supermarket kahapon kung saan sila pinagkaguluhan.

Sunshine naiyak nang makarating sa Holy Land

Sobrang na-touch si Sunshine Dizon nang makita niya right before her eyes ang lugar kung saan ipinanganak si Jesus Christ sa Bethlehem sa Holy Hand kung saan ay kasalukuyang nagbabakasyon ang Magkaagaw star.

Sa kanyang Instagram account ay pinost ni Sunshine ang larawan ng lugar at caption niya, “praise God for making it possible for me to see and venerate in his birth place. I could not control my tears, i was so overwhelmed and really felt the spirit moving me.”

Last Feb. 24 pa umalis si Shine patungo sa Holy Land kasama ang kanyang mga pinsan at naka-post lahat sa kanyang IG account ang mga lugar na pinuntahan nila since day 1.

Ilan sa mga tourist spots na binisita nila ay ang Mount Nebo, Monastery of Saint George, ang River Jordan kung saan binin­yagan si Jesus, Mount of Temptation, ang historical Petra, Bethlehem at marami pang iba. Of course, ang highlight ng trip ay ang Church of the Nativity kung saan nga ay pinaniniwalaang dito ipinanganak ni Mama Mary si Jesus.

Hindi kasama ni Sunshine ang kanyang dalawang anak pero makikita rin sa kanyang mga posts ang pakikipag-Face Time niya sa mga ito para kumustahin.

Of course, time out muna si Sunshine sa taping ng Magkaagaw habang nagbabakasyon siya.

vuukle comment

MATTEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with