^

Pang Movies

Yassi may pinatunayan sa akting

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpasiklab ng acting si Yassi Pressman sa confrontational scene nila ni Tirso Cruz III sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Ang akala ng lahat ay lalamya-lamya lang ang role nito at sunud-sunuran na lang kay Cardo Dalisay (Coco Martin), pero ipinakita ni Yassi ang pagiging propesyonal, kahit pa nga na may pinagdadaanan ito dahil kamamatay lang ng kanyang ama.

Rhian iba ang nararamdaman ‘pag kaeksena si Coney

Kakaiba ang naikuwentong experience ni Rhian Ramos kay Coney Reyes nang magkaroon sila ng harapan sa isang eksena. Bagama’t kinakabahan, mas nangingibabaw naman daw ang excitement sa kanya ng mga oras na iyon.

Magkasama ang dalawa ngayon sa seryeng Love Of My Life na pinagbibidahan ng real sweethearts na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Gumaganap bilang nanay ni Tom si Coney habang si Rhian naman ay ex na pumapapel lang sa buhay ng mag-asawa.

Matindi rin ang mga sampalan at sabunutan nina Rhian at Carla parang totoong-totoo.

Ogie at Ian mga bagong kilabot!

Sa March 20 ay may concert sina Ogie Alcasid at Ian Veneracion sa New Frontier Theater, ito ay ang Kilabotitos.

Kung dati ay sina Hadji Alejandro at Ariel Rivera ang mga kilabot ng kolehiyala, ngayon ay mukhang sina Ogie at Ian na ang makabagong version.

Bukod sa pagiging singer-actor, isa ring painter si Ian.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to March born celebrants:

Maine Mendoza, Gino Padilla, Cassandra Ponti, Morly Alinio, Bianca Umali, Myra Yap, Vilma De Guzman at Gabby Eigenmann.

vuukle comment

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with