^

Pang Movies

Pia inaabangan kung kailan aaminin si Jeremy Jauncey

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Pia inaabangan kung kailan aaminin si Jeremy Jauncey
Pia

Mukhang may katotohanan na ang pagkaka-link ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa model-professional traveler and entreprenuer na si Jeremy Jauncey. Si Jeremy na kaya ang ka-Valentine ni Pia sa taong ito?

Na-link ang dalawa noong nakaraang December 2019 pagkatapos na makumpirma na break na si Pia sa boyfriend nitong si Marlon Stockinger.

Kung titingnan ang IG account nina Pia at J­eremy, halos pareho ang posts nila. Balita kasing nasa New York City ang dalawa.

Sa pagkakaalam ng mga close kay Pia, may sariling lakad ito sa NYC at clueless sila na makikipagkita ito kay Jeremy.

Sa Instagram Stories kasi nila, pareho nilang pinost ng brunch date sa Dumbo House, isang for-members-only club sa Brooklyn, New York. “The best Sunday brunch,” caption ni Jeremy.

Ang caption naman ni Pia sa similar post nila ni Jeremy ay: “Cos it’s a Sunday.”

Maraming pinost si Pia na photos niya habang naglilibot siya sa NYC. Pero wala silang photos together ni Jeremy.

Noong nakaraang January, nagkasama raw sila ni Jeremy sa isang exclusive resort sa Ambas Islands in Indonesia.

Marami ang nakakita sa kanila na nag-island hopping sila. Pero maingat silang hindi mag-post ng photos na magkasama sila.

Pero sa isang IG Story ni Jeremy, nahagip ang reflection ni Pia sa salamin ng lamesa nang may kunan ito sa may bintana.

Still, wala pa rin confirmation mula kay Pia na sila na nga ni Jeremy. May nagsabi na baka naghahanap lang ng perfect timing si Pia dahil ilang buwan pa lang naman ang pakikipaghiwalay niya kay Marlon.

Renz dalawa ang pinopormahan

Ang pagpapagawa ng sarili niyang bahay ang priority ngayon ni Renz Fernandez. Napagdesisyunan na raw nila ng kanyang inang si Lorna Tolentino at Kuya Rap Fernandez na ipagiba na ang White Plains house nila at tayuan ng dalawang bagong bahay ang malaking lote. Isa kay Renz at isa kay LT.

Sa pagpatayo niya ng sariling bahay, ibig sabihin ba ay ready na siyang magkaroon ng sariling pamilya? “Wala pa naman. May prospect pa lang!” tawa pa niya.

Hindi na raw taga-showbiz ang pinopormahan ni Renz. “Hindi siya taga-showbiz. Para maiba naman. Pero may nakareserba naman na isang taga-showbiz kung saka-sakaling hindi mag-work sa pinopormahan ko ngayon!” tawa pa niya ulit.

Kasali pala si Renz sa Philippine version ng Descendants of the Sun. This time raw ay hindi raw pulis ang role niya kundi isang doktor.

vuukle comment

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with