^

Pang Movies

Iza nag-aaral na rin ng scriptwriting

Gorgy Rula - Pang-masa
Iza nag-aaral na rin ng scriptwriting
Iza

May panahon pa kayang magka-baby?!

MANILA, Philippines — Sa gitna ng napakaraming ginagawa ni Iza Calzado, talagang isiningit pa niya sa kanyang schedule ang mag-aral ng Scriptwriting kay Maestro Ricky Lee.

Kuwento sa amin ng manager niyang si Noel Ferrer, isa raw siya sa nag-welcome kahapon sa Batch 23 ng Scriptwriting workshoppers ni Sir Ricky at isa nga roon si Iza.

Gustung-gusto raw niyang mapag-aralan ito, kaya talagang binabakante raw niya sa schedule niya ang araw ng Linggo para sa naturang workshop.

Kabilin-bilinan din niya na kapag may ginagawa siya ng Sabado, dapat na sundin ang cut off dahil papasok pa siya sa workshop kinabukasan.

“Kung gusto, may paraan…and really, you never stop learning,” pakli niya.

Ilan sa mga kasabay ni Iza na pumasok sa Scriptwriting workshop ay sina Kahlil Ramos, si direk Mike Tuviera, Malouh Crisologo, Peter Serrano ng Film Academy of the Philippines (FAP) at ang magaling na character actor na si Joel Saracho.

Kakayanin naman daw ito ni Iza kahit may tatlong pelikula siyang naka-line up, may teleserye pang kasama sina Maricel Soriano at Jodi Sta. Maria, may isa pa raw siyang malaking proyektong ididirek ni Jerold Tarog, (hindi kaya ang Darna ito?), at isang project sa HBO na ididirek ni Mikhael Red.

Kaya may panahon pa kaya si Iza na magka-baby sila ni Ben Wintle?

Pops maraming natutunan kina Rupaul at Drew Barrymore 

Nagpapasalamat si Pops Fernandez sa GMA-7 na muli siyang kinuha bilang Kapuso, pero judge uli siya sa isang kakaibang musical competition, itong Centerstage na magsisimula sa February 16.

Nai-enjoy niya ang pagdya-judge dahil doon siya nakakakita ng mga kakaibang talento, lalo na’t mga bata pa ang maglalaban.

Pero nang makatsikahan namin si Pops sa nakaraang mediacon ng Centerstage, naibahagi niya sa amin ang mga unforgettable experiences niya nung mag-judge naman siya sa The World’s Best sa Amerika.

Kakaibang experience raw iyon sa kanya dahil doon daw niya nakilala ang magagaling na performers sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Nagkuwento rin siya tungkol kina Rupaul at Drew Barrymore na napakabait daw, walang ere at magaan daw katrabaho.

Bilib daw siya sa oneliners ni Rupaul na maiksi lang mga sinasabi pag nagdya-judge, pero ang lakas ng dating.

“Sana ganun din ako. Yung short pero super witty yung sinasabi, and it makes a lot of sense na natutumbok agad,” pakli niya.

Ang saya rin daw kasama ni Drew na talagang lumalabas daw ang pagi­ging komedyante.

“She was the funniest!” bulalas ni Pops.

“Actually natulala ako sa kanya in every episode na tini-take namin, natulala ako.

“How you see her in her funny movies, is how she was in person. She’s bubbly, she’s funny, very articulate, matsika,” pag-describe niya kay Drew.

Marami raw siyang natutunan doon sa The World’s Best, at nagpapasalamat siya na naging bahagi siya ng naturang programa.

“That’s one of the best benefits of being a performer I think performer and a personality, you get to travel and meet wonderful people,” dagdag niyang pahayag.

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with