^

Pang Movies

Migo excited pag-agawan ng mga babae!

Joe Barrameda - Pang-masa
Migo excited pag-agawan ng mga babae!
Migo

MANILA, Philippines — Matapos ang kanyang pagkapanalo sa sixth season ng Starstruck noong 2015, tuluy-tuloy ang blessings na natatanggap ni Migo Adecer lalo na sa kanyang stable career sa Kapuso network. Marami ang nakapansin sa kanyang galing sa pag-arte nang gampanan niya ang role ni Jordan sa award-winning epic drama serye na Sahaya last year kung saan nakasama niya sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Tiyak na maraming fans ni Migo ang matutuwa dahil gabi-gabi na siyang mapapanood sa newest teleserye ng GMA7 na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday. Kaabang-abang din ang role ni Migo sa naturang teleserye dahil makakatambal n’ya rito sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Kate Valdez.

Ayon pa kay Migo, excited na raw s’ya na pag-agawan ng dalawang naggagandahang babae. Pakatutukan ang mga nakakaaliw na kaganapan sa Anak ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Alden may ibubuga rin sa music

Talaga nga namang jack of all trades ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards dahil bukod sa ipinamalas nitong galing sa pag-arte sa The Gift ay masusubukan naman ang galing n’ya sa hosting at pakikipagkulitan sa mga bagets sa newest musical game show na pinamagatang Centerstage.

Ayon kay Alden sa katatapos lang na presscon ng naturang show, excited daw s’ya na ma-inspire at ma-motivate ang mga bata na abutin ang kanilang mga pangarap ganon na rin ang pagiging kuya n’ya sa mga ito.

Samantala, hindi lang sa acting at hosting may ibubuga si Alden dahil maging sa larangan ng music industry ay hindi rin ito papatalo dahil nag-chart lang naman ang tatlo n’yang kanta na Wish I May, Say It Again, and Until I See You Again sa iTunes Philippines ngayong Linggo.

Samantala, mapapanood na every Sundays ang Centerstage simula sa February 16 sa GMA Network.

vuukle comment

MIGO ADECER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with