^

Pang Movies

Chair Liza tuloy ang trabaho para sa mga pelikula

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Chair Liza tuloy ang trabaho para sa mga pelikula

Kung kasipagan talaga ang pag-uusapan, walang makakatalo kay FDCP Chairperson Liza Dino.

Katulad ngayon, tuloy pa rin ang Film Development Council of the Philippines sa kanilang commitment sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Republic of Korea (ROK) bilang frontrunners sa pagbuo ng ASEAN-ROK Film Cooperation Organization (ARFO).

Oras daw na maging opisyal na ang ARFO, asahan na ang napakaraming improvement sa film industries sa pagitan ng ASEAN at South Korea tulad ng upgrade skills sa technology, oportunidad sa talent exchange, sharing of resources, collaborations sa production at film distribution, developments sa policy-making, enhancements sa educational programs, dagdag incentives sa film location promotions, reinforcements sa film archiving, at posible ring magkaroon ng ASEAN Film Fund kapag naiayos na ito.

Well, goodluck Chair Liza.

Sana matupad lahat ng plano mo para dumami ang trabaho ng mga alaga ko at magkaroon pa ako ng mas maraming komisyon.

Hahaha. Babu.

Ilang Kapuso stars wagi sa 3rd Asia Pacific Luminare Awards!

Bongga, patuloy na kinikilala ang talento ng Kapuso stars ng iba’t ibang award-giving bodies sa bansa.

Sa katatapos lang na 3rd Asia Pacific Luminare Awards, pinarangalan sina David Licauco at Kapuso actor Jason Abalos bilang Most Promising and Hottest Actor of the Millennium, samantalang sina Kyline Alcantara at Miguel Tanfelix naman ay parehas nakatanggap ng Most Promising Young Actor of the Millennium awards.

Congratulations at patunayan n’yo pang deserve ninyo ang mga award na ‘yan.

Hahaha.

Local airlines mas safe sakyan

Ewan ko ba , baka dahil nga sa alam ko ang husay ng mga pilot natin, feeling safe ako pag nakasakay sa mga local airline kesa sa mga foreign flight.

Bukod sa mabait ang crew at staff, known talaga ang efficiency at husay ng mga piloto natin.

Kaya nga kahit sabihin pa na laging late, o mas mahal ang tiket ng PAL, una ko pa ring choice paglipad ang the heart of Asia, Philippine Airlines, ang ating national carrier. Oh ‘di ba!

MagikLand dinarayo na sa Negros!

Naku Salve nami-miss ko na kasama ka sa travel ha? Type ko pa naman kasama ka sa MagikLand dahil gusto ko na madala mo doon ang anak mong si Aries.

Siguradong nami-miss din ni Aries ang Star City na baka matagalan pa bago maayos.

Puwede mo siyang dalhin sa MagikLand sa Silay, Negros. Bongga ‘di ba kaya promise ko, go tayo sa MagikLand one day at mag-enjoy sa mala-Disneyland na lugar na hindi natin akalain na meron pala sa Visayas.

vuukle comment

LIZA DINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with