^

Pang Movies

Julia pinaghihintay ni Coco!

Vir Gonzales - Pang-masa
Julia pinaghihintay ni Coco!
Julia

MANILA, Philippines — Matagal nang napabalita ang nalalapit nang pagtatapos diumano ng seryeng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin, pero hanggang ngayon ay umeere pa rin ito gabi-gabi sa ABS-CBN.

Ang iba ay nagsasawa na sa paulit-ulit na takbo ng istorya, habang ang iba naman ay loyal pa rin.

Kung magtatagal pa nga ang nasabing serye, ibig sabihin lang nito ay marami pa ring matutulungan si Coco dahil may bibigyan pa rin siya ng trabaho, pero kung magtatapos na nga ito, mabibigyang daan naman ang mga bagong serye na nakalinya. Isa na nga raw rito ang seryeng Batang Quiapo na kung saan ay usap-usapang silang dalawa raw ni Julia Montes ang bida, pero wala pang kumpirmasyon tungkol dito.

Sa ngayon, si Julia ay itatambal muna sa dating na­ging kalaban ni Cardo Dalisay sa Ang Probinsyano, si Arjo Atayde.

Magkasama ang dalawa sa action series na 24/7 na malapit na rin daw ipalabas.

Celia lutang pa rin ang ganda

Balik teleserye ang original kontrabida queen na si Celia Rodriguez sa GMA-7. Hindi kasi natuloy si manay na makasama noon sa seryeng Rosang Agimat na dapat sana ay pagbibidahan ni Gabbi Garcia kasama si Eddie Garcia, pero dahil nga sa isang aksidente na naging sanhi ng pagkamatay ng huli, napagdesisyunang hindi na ito itutuloy.

Marami pa rin ang humahanga kay Celia, dahil kahit siya ay may edad na ay lutang pa rin ang kanyang ganda at magaling pa rin siyang magdala ng damit.

Samantala, kasama niya sa seryeng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sina Snooky Serna, Dina Bonnevie, Barbie Forteza, Kate Valdez at Jay Manalo.

Father Jerry Orbos may pa-healing mass

Sa February 10, 6:30pm ay magkakaroon ng healing mass ang Birheng Lourdes ng barangay Subic, Baliwag, Bulacan. Ang paring magmi­misa ay si Father Jerry Orbos na marami nang napagaling sa kanyang healing mass.

Pagkakataon na ng mga tiga-Baliwag, lalo na yung may mga karamdaman na maki-fiesta sa naturang barangay.

Ang pangulo ng kapistahan ay sina Joseph at Noreen Filosopo.

Personal…

Sa February 16 naman magdaraos ang BJC class 58 ng reunion na gaganapin sa Immaculate Concepcion School of Baliwag sa R. Chico St. Baliwag.

Ang naturang batch 58 ay isa sa may pinakamatatag na samahan among groups of high school colleges in Baliwag. Magkakaroon ng magarbong pagdiriwang dahil ika-62 taon na ng naturang grupo sa kanilang pagsasama.

Kahanga-hanga ang mga nanunungkulan sa naturang batch 58 sa pangu­nguna nina Ms. Olive Dela Vega, Ms. Olivia De Rustia, Tom Silva, Ms. Tess Santos at Andy Cruz. 

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to Janaury born celebrants:

Laurice Guillen, Marvin Agustin, Sen. Loren Legarda, Sandy Andolong, Joshua Garcia, Mildred Ortega, Lourdes Fabian, Fernan Guzman, Ronald Rafer at Gorgy Rula.

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with