^

Pang Movies

Snooky at Dina pag-aawayan si Jay

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Snooky at Dina pag-aawayan si Jay
Snooky at Dina

Both Regal babies sina Snooky Serna at Dina Bonnevie in the ‘80’s kaya marami silang pinagsamahang pelikula noon. After so many years, muli silang magkakasama pero sa isang TV series naman sa GMA Network, ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, meaning magkaaway sila.  Sa story, nagsimula muna silang best of friends hanggang sa pareho nilang na-meet ang isang lalaki na naging dahilan para maging mortal enemies sila.

Si Snooky ay nakasama sa movie version nito sa Regal Films in 1984, na sila ni Maricel Soriano ang magkalaban. Ang pagkakaiba lamang nito, pure comedy ang movie version pero ang TV version ay may drama.

Gagampanan ni Snooky si Amy, ang Waray na ina ni Barbie Forteza as Ginalyn. Sa movie version ay siya si Biday.  “Ang TV version namin, they put a little bit more of drama in it. Kaya this is not a complete copy of the original story. May ibang twist kaya iba ang story namin ngayon. Ang pareho lamang, perennially mortal enemies talaga sila,” say ni Snooky.

“Tinanggap ko naman ito dahil ang tagal na naming hindi nagkakasama sa trabaho,” sabi ni Dina bilang si Sussie. “Kaya welcome sa amin ito ni Snooky, at matagal na rin ako hindi nagko-comedy.”

Dagdag pa ni Snooky, “magkasama kami ni Dina sa tent, parang walang space sa amin, at ease kami sa isa’t isa at lagi siyang may snack na dala, dahil di ba may restaurant sila ng hubby niya?  Pero pagdating na sa eksena, magka-away na kami.”

May mga special appearances naman sa serye sina Lovi Poe as the young Sussie (Dina) at si Max Collins as young Amy (Snooky). Ang pag-aawayan nila ay si Joaquin (Jay Manalo) na noong mga bata pa sila ay si Jason Abalos.

Ngayong gabi, January 27, huhusgahan na ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz, sa world premiere nila pagkatapos ng 24 Oras.

Kontrabida ni Alden gustong pahirapan

Nasa last two weeks na ang inspirational drama series ni Alden Ri­chards na The Gift, simula ngayong gabi, January 27, at ngayon pa lamang, nagtatanong na ang netizens kung paano raw magwawakas ang mga character nina Jared (Martin del Rosario), Javier (Christian Vasquez) at Francine (Rochelle Pangilinan). Sila kasi ang mga main kontrabidas sa story na nagpahirap sa buhay ni Sep (Alden), Nanay Straw (Jo Berry), Lola Char (Elizabeth Oropesa) at Nadia (Jean Garcia).

Requests ng mga televiewer, sana raw ay iyong pinakamabigat na parusa ang gawin sa kanilang tatlo na magkakatulong na bumuo ng mga plano para gantihan sila to the point na ikinabulag ni Sep nang mabaril siya sa ulo at muntik na ring ikamatay ni Nanay Straw nang barilin siya ni Javier matapos makatakas sa pagkidnap nila ni Francine? May isa pang request ang mga netizen, na ipakilala agad kay Sep na si Nadia ang tunay niyang ina, para may happy moments ang mag-ina bago matapos ang serye sa February 7, 2020.

vuukle comment

DINA BONNEVIE

SNOOKY SERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with