Ruffa 10 years namahinga sa teleserye
Kahit wala pa halos boses ay dumalo na si Ruffa Gutierrez ng media conference kahapon ng comeback teleserye niya sa ABS-CBN na Love Thy Woman starring Kim Chiu, Xian Lim and Yam Concepcion. Ilang araw na nga raw may sakit si Ruffa pero at least kahapon ay medyo nakakagalaw na siya.
Anyway, Betty La Fea pa ang last teleserye ni Ruffa sa Dreamescape, ten years ago, kaya naman na-excite siya Love Thy Woman.
Ang siste nga lang, kinailangan nilang mag-reshoot dahil sa pag-backout ni Erich Gonzales kaya ‘di agad naipalabas.
Beginning February 10 ay mapapanood na ito sa afternoon slot, kapalit ng Kadenang Ginto.
KC, Issa, nagpa-ramdam sa Chinese New Year
Happy Chinese New Year.
“Gong Hei Fat Choy! Hiiii year of the Metal Rat, also known as the YEAR WE MAKE IT RIGHT! What changes are ya making in your life for #ChineseNewYear?,” post ni KC Concepcion kahapon na wala pa ring sagot sa mga naging emote ng kanyang mommy Sharon Cuneta.
Magkaroon nga kaya ng changes sa set up ngayong Chinese New Year sa kanila ng ng kanyang mama?
Samantala, si Issa Pressman naman ay nagparamdam din sa pawala nang issue na pandadawit sa kanya sa JaDine break up na nauna nang tinanggi ng kanyang ate Yassi.
“If I stay silent, i’m “guilty”. If I stand up for myself, i’m “defensive”. The world judges either way.
“But to end it here & now, everything is 100% FALSE. #ThinkBeforeYouClick.
“Soooooooooo, let’s all move on,” post naman ng instant controversial na si Issa na sinubukan noong mag-artista pero hindi nag-take off ang career. Ngayon ay bigla siyang pumasok sa conciousness ng fans dahil nga sa pagdadawit sa kanya sa JaDine break up.
- Latest