^

Pang Movies

Marian at Dingdong masagana ang pagsasama

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Marian at Dingdong masagana ang pagsasama
Dingdong Dantes at Marian Rivera

Sa Villa Angelina Luxury Suites, sa Dakak Park and Beach Resort sa Dapitan City, pumunta ang mag-anak na Dantes at mga kaibigan nila, hindi lamang para magbakasyon kung hindi roon din ipinagdiwang ang 5th wedding anniversary nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ikinasal noong December 30, 2015 sa Immaculate Conception Cathedral in Cubao, Quezon City.

After five years of a blissful marriage, dalawa na ang anak nina Dingdong at Marian, si Maria Letizia or Zia, born on November 23, 2018 at si Jose Sixto Dantes IV or Ziggy, born on April 13, 2019.  At after eight months, na isinilang ni Marian si Ziggy, ipinakita na muli ni Marian ang maganda niyang katawan. 

“Getting my dose of vitamin sun before the year ends,” caption niya sa seksing photo na kanyang ipinost. Umani ito ng maraming likes and comments mula sa mga kasamahang artista.

Si Dingdong ang nag-post sa kanyang Instagram story ng activities nila sa beach. Pero bumalik din sila sa Manila kahapon, December 31, para sa bahay nila muling salubungin ang bagong taon, tulad nang nakagawian na nila taun-taon.

At tiyak, magiging busy na muli sa taping si Dingdong para sa nalalapit nang pagpapalabas ng Philppine Adaptation ng Korean Drama na Descen­dants of the Sun sa GMA Primetime Telebabad sa first quarter of 2020.

Si Marian, magsisimula na ring mag-taping ng bago niyang light romantic-comedy series na First Yaya with Gabby Concepcion.

Sheryl at Jeric ‘totohanan’ na?!

Comments ng netizens, mukhang totohanan na ang pagka-obsessed ni Sheryl Cruz as Veron kay Jeric Gonzales as Jio sa GMA Afternoon Prime drama series na Magkaagaw. Hindi mo na mapipigilan ang netizens na mag-comment ng ganito sa characters na ginagampanan nina Sheryl at Jeric dahil ang mga karakter ng dalawa ay mukhang totohanan na ang nararamdaman sa isa’t isa.

Kahit pinipilit na ng karakter ni Jeric na layuan ang karakter ni Sheryl, paulit-ulit pa rin itong bumabalik dito kahit na gusto niya nang magpakatino.

Marami pang kapana-panabik na eksena sa Magkaagaw na talaga namang inaabangan ng netizens at wala sila ritong pinapalampas.

Ang Magkaagaw ay napapanood araw-araw pagkatapos ng Eat Bulaga.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with