^

Pang Movies

Umeksena sa fashion 2019 mga telang pinoy sumikat dahil kay Catriona

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Umeksena sa fashion 2019 mga telang pinoy sumikat dahil kay Catriona
Catriona

Hindi puro intriga at kontrobersya ang 2019, napuno rin ito ng kagandahan at naglikha ng mga fashion icons.

Sa showbiz, nagpatalbugan ng outfits, red carpet gowns, OOTDs ang maraming female celebrities, hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati na sa ibang bansa.

Naging inspirasyon sila ng mara­ming millennials dahil sa mga pina-trend nilang porma at napansin pa sila ng international media at ilang mga sikat na fashion bloggers sa social media.

Kaya heto ang ilang celebrities na tinawag na fashion icons of 2019.

Nag-iwan ng lasting impression si Catriona Gray noong manalo itong Miss Universe 2018. Bukod sa kanyang pagiging articulate, hinangaan siya sa kanyang fashion taste.

Parating gamit ni Queen Cat ang mga tela na gawa ng mga indigenous tribes sa Pilipinas. Na-promote niya ang mga magagandang gawa ng Pinoy at ginawang world class ang mga Pinoy designers na kinukuha na ng ilang candidates sa mga international beauty pageants.

Nadine Lustre

Ang dating sugar-and-spice girl na si Nadine Lustre ay biglang naging daring sa kanyang choice of fashion. Parating may dapat na ipakitang skin si Nadine sa kanyang mga suot tuwing awards nights at ilang fashion events.

Daring and bold nga siya sa kanyang risque fashion na ginagaya ng kanyang fans at  fashion bloggers.

Heart Evangelista

Hindi na pinag­dududahan ang taste ng tinaguriang Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista-Escudero dahil bukod sa kanyang hilig sa signature brands, may connect pa ito sa pagiging artists niya at sa kanyang pagiging isang animal lover.

Hindi nga matatawaran ang pagrampa ni Heart sa New York Fa­shion Week, Paris Fashion Week at London Fashion Week.

Na-feature pa si Heart sa website ng Vogue dahil sa kanyang glamorous look.

Ang kanyang YouTube vlog ay hit na hit sa millen­nials dahil sa mga pine-feature niya na travels, shopping at ang kanyang latest artworks.

Anne Curtis

Wala ring maipipintas sa fashion choices ni Anne Curtis-Heussaff dahil sa kanyang “flawless taste”. Kayang magsuot ng sexy outfit ni Anne pero hindi siya bastusin tingnan. Kapag nag-gown naman siya, namumukadkad ang aura ng pagiging isang glamorous lady. Kaya rin ni Anne na magsuot ng street wear or simpleng damit lang pero nagmumukhang itong mamahalin.

Janine Gutierrez

Isa sa paboriting fashion icon ng 2019 ay si Janine Gutierrez dahil kahit ano ang ipasuot sa kanya ay bumabagay.

May certain quirkiness si Janine when it comes to her taste at patok iyon sa social media. Noong mag-attend siya for the first time ng New York Fashion Week, napansin agad ang simpleng beauty niya ng BuzzFeed at pinuri ang kanyang street fashion, makeup at simpleng ponytail.

Pia Wurtzbach

Hindi puwedeng mawala sa listahan si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil sa kanyang mala-diyosang ganda at kaseksihan. Kering-keri ni Pia ang magsuot ng body fitting gown dahil swak iyon sa kanyang kurba.

Pasok din ang mga bikini photos ni Pia kung saan nagmumura ang kanyang kaseksihan dahil sa gifted siya pagdating sa kanyang boobs. Gla­morosa naman si Pia tuwing uma-attend ito ng ABS-CBN Ball dahil dala pa rin niya ang aura ng pagiging Miss Universe.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with