^

Pang Movies

Cong. Vilma hindi pabor na isara ang ABS-CBN!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Cong. Vilma hindi pabor na isara ang ABS-CBN!
Vilma

Magulo ang usapan tungkol sa ABS-CBN. Habang ang mga kampi sa presidente at ang mga nagsasabing laban sila sa pamamayani ng oligarkiya ay nagsasabing huwag na ngang payagan ang ABS-CBN na magpatuloy pa, iyon namang mga militanteng maka-kanan ay nagpe-pressure sa kongreso na huwag pakinggan ang pangulo at ang isipin ay ang press freedom.

Isa sa nagharap ng panukala na palawigin ang franchise ng ABS-CBN ay si Congresswoman Vilma Santos. Malakas ang palagay naming nangibabaw ang kanyang pagiging isang artista. Nagsimula kasi si Ate Vi sa mga show noon ng ABS-CBN, bago iyon ipinasara dahil sa martial law.

Palagay namin, walang bahid pulitika ang panukala ni Ate Vi. Naisip lang niya na artista kasi siya at maraming artista rin ang maaapektuhan kung isasara na nga nang tuluyan ang ABS-CBN.

Pia at Catriona kinabog ni Megan sa lovelife

Ang pinag-uusapan naman ngayon ay ang break up nina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger. Mahigit dalawang taon din ang naging relasyon nilang dalawa, pero noon pa namang una ay marami na ang nagsasabing baka hindi talaga tumagal ang kanilang relasyon. Sinasabi nga ng marami, walang duda na ang kanilang relasyon ay nagsimula lamang sa personalidad ng isa’t isa.

Noon ay Miss Universe si Pia. Si Marlon naman ay isang kilalang champion car racer. Marami rin itong fans dahil pogi siya.

Sa advertising campaigns noon kung saan nakikita siya sa mga meet and greet, dinudumog ng maraming fans si Marlon.

Pero sinasabi nga nila na kung ang isang relasyon ay nagsimula lamang dahil sa matinding physical attraction, parang malabong tumagal iyan.

Isa pang magandang example, sina Catriona Gray at Clint Bondad. Matapos na maging Miss Universe si Catriona, hindi ba biglang break na rin sila?

Mahirap pagsabayin ang buhay ng isang beauty queen sa isang relasyon. Kasi hindi mo maiaalis na maiilang din ang boyfriend, dahil ang kanyang syota ay isang beauty queen at natural ibang klaseng atensiyon ang nakukuha noon mula sa lahat.

Ang nagtatagal lang na relasyon ay iyong talagang matibay na bago ang babae ay maging beauty queen. Ang example diyan ay sina Megan Young at Mikael Daez. Noong panahon din ng reign ni Megan, tahimik lang si Mikael. Lumitaw lang siya ulit noong tapos na ang isang taong pagiging Miss World ni Megan. Dahil hindi na siya Miss World, hindi na ganoon ang nakukuha niyang atensiyon, at tingnan ninyo, hanggang ngayon matibay ang relasyon nila.

Pakikiramay…

Sa mga gusto pong magpaabot ng kanilang pakikiramay sa ­aming dating kasamahan at dati ring entertainment editor ng Pilipino Star NGAYON, at kolumnista rin ng PM (Pang-Masa) na si Veronica Rodriguez Samio, ang kanyang mga labi ay ihihimlay sa St. Peter Memorial Chapel, Quezon Avenue, simula ngayong umaga, hanggang sa Miyerkules, Disyembre 12, kung kailan isasagawa ang cremation ng kanyang mga labi.

Hinihiling din namin sa aming mga mambabasa na ipanalangin ang kanyang kaluluwa.

Nawa’y masumpungan niya ang kapahingahang walang katapusan, at sumakanya ang liwanag  na walang hanggan. Maging mapayapa nawa ang kanyang kaluluwa.

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with