^

Pang Movies

Graduate na raw sa pagpatol Kris mas gusto nang manahimik!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Graduate na raw sa pagpatol Kris mas gusto nang manahimik!
Kris

Okay lang kay Kris Aquino kung hindi na siya “irrelevant” ngayon tulad ng komento ng isang netizen sa kanyang Instagram page. Aniya, hindi raw worth ng kanyang health kung mananatili siyang magpaka-relevant.

Komento ng netizen, “I hope u can still able to gain ur former status Madam as the country’s premiere endorser. It seems like u r slowly fading into the shadow of irrelevance huhu labyu madam though. Dont get me wrong. Magpasabog ka uli madam.”

Heto naman ang sagot ni Kris:

“I’m pretty chill about becoming “irrelevant” because the price to pay fighting to stay relevant wasn’t worth my health or my peace of mind...

“So many have told me, “you have enough” (in the material sense) and my sons are in no danger of going hungry - so i was working hard because i was protecting something that now seems much less important- my ego...

“I worked too many days when i should’ve actually been listening to my body all because of the mistaken notion that protecting work commitments meant more than prioritizing my wellness.

“Sorry walang “pasabog” coming soon- i have outgrown that. it took so much prayer for me to be at peace with who i am & where i am- i realize you wanted to upset me BUT graduate na ko sa ganitong klaseng pailalim na “bullying”.

“I hope before you “worry” about my professional standing, you’ll ask yourself why there seems to be little of interest in your life that you’re making mine your problem?”

Pinuri ng followers niya ang sagot ni Kris pati na ang subtle na pagtataray nito sa basher.

Daniel na-appreciate ang ginawa ng BF ni Karla

“Ayokong maging kontrabida but at the same time on the lookout lang ako, kumbaga I am just hovering,” ang pahayag ni Daniel Padilla nang mahingan ng komento sa Tonight With Boy Abunda tungkol sa kasalukuyang boyfriend ng inang si Karla Estrada na si Jam Ignacio.

Hindi naman daw sa tutol siya pero gusto lang niyang protektahan ang kanyang ina na ilang beses na rin niyang nakitang nasaktan.

“Tsaka hindi naman ‘yan sa ayoko na sa’yo pero sorry ang dami ko ng narinig at dami ko ng nakita. Lahat ng pinakamasasaya, lahat ng pinakamalulungkot, nakita ko na sa ermat ko eh,” sey ni Daniel.

Pero siyempre, bilang anak ay masaya siya para sa ina.

“Masaya lang ako kay mama, masaya lang ako ngayon kasi she’s very happy and I think she’s in love and that’s good,” he said.

Naa-appreciate rin daw niya nagri-reach out naman si Jam sa kanya.

“Sa ngayon nakikita ko naman na nagre-reach out (si Jam) kasi last time ‘yung birthday ni mama tulog na lahat nandon kami sa bahay ko, dumaan siya don, sumaglit siya at malaking bagay ‘yun bilang lalaki dahil siyempre pinapakita mo ‘yung totoo pero I’m not saying na ayos na dahil ako ang number one security ng ermat ko,” sey ni Daniel.

Richard muntik na ring magkasakit sa 10 days na shooting

Sabay na nagkasakit ang dalawang aktres na bida ng Unbreakable na sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban dahil sa sagad-sagarang schedule nila for the movie.

Kaya sey ng leading man nilang si Richard Gutierrez, mabuti na nga lang daw at hindi siya nagkasakit dahil kung hindi ay walang dadalo sa mall tours nila before the showing.

Pero muntik na rin daw siyang magkasakit dahil nga ngaragan talaga ang schedule nila.

“Nun’g tinatapos namin ang pelikula, may mga eksenang sobrang bigat na parang ginawa nila (Bea and Angelica) nun’g last day of shoot namin.

“Tapos ‘yun, after nun’g day na ‘yun, nawalan ng boses si Bea, si Angelica, nagkasakit. So, hindi sila masyadong nakaikot sa mga mall tour,” kwento ni Chard nang makatsikahan namin sa block screening ng Unbrea­kable last Wednesday.

‘Yung last 10 shooting days daw nila ay straight daw talagang kinunan and even after the presscon ay nag-shoot pa sila.

Pero ani Chard ay sulit naman ang lahat ng pagod dahil nang mag-ikot siya sa mga sinehan nun’g opening day last Wedneday ay natuwa naman daw siya sa magandang response at feedback ng mga manonood.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with