^

Pang Movies

Dyowa ni Karla hiwalay sa asawa at may 2 anak na!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Dyowa ni Karla hiwalay sa asawa at may 2 anak na!
Jam at Karla

Nung nakaraang June 1, 2019 lamang nagkakilala sina Karla Estrada at ang bagong non-showbiz boyfriend nitong si Jam Ignacio pero three days after ay dumalaw na ito sa bahay ng singer-actress-TV host na may dalang bulaklak at kape.

Nagustuhan umano ni Karla ang pagiging matapang nitong manuyo sa kanya sa kabila ng pagkakaroon niya ng strong personality. The mere fact na sa bahay siya niligawan nito ay naroon ang kanyang sinserong hangarin sa kanya dahil naroon din ang kanyang mga anak.

Hiwalay umano si Jam sa asawa nito at meron silang dalawang anak habang si Karla naman ay may apat na anak mula sa iba’t ibang nakarelasyon nito.

Bea natambakan ng trabaho

Kung naging matamlay ang reception lately sa locally-produced films, mukhang nabuhay muli ang enthusiasm ng mga manonood nang ipalabas sa mga sinehan last Wednesday, November 27 ang pelikulang Unbreakable na pinagbibidahan nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Richard Gutierrez na dinirek ng nagbabalik na si Mae Cruz-Alviar under Star Cinema.

Kumita umano ang nasabing pelikula ng halos P10-M sa opening day nung nakarang Miyerkules at patuloy na pinipilahan sa mga sinehan now numbering to about 220 theaters nationwide.

First team-up sa movie nina Bea at Angelica at first time din nilang nakatrabaho sa pelikula ang Kapamilya actor na ngayong si Richard Gutierrez.

Sina Bea at Angelica ay parehong loveless ngayon pero pareho na ring nakapag-move on sa kani-kanilang huling nakarelasyon.

Ayon kay Bea, madali umano siyang nakapag-move on dahil sa kanyang sunud-sunod na trabaho. Bukod sa pelikulang Unbreakable ay pinagkakaabalahan din nito ngayon ang bago niyang teleserye, ang Kahit Minsan Lang kung saan niya muling nakatrabaho si Richard Gutierrez kasama sina Rafael Rosell, Jameson Blake, Christian Bables at iba pa.

Bukod kay Gerald Anderson, si Bea ay na-link din noon kina Zanjoe Marudo, Jake Cuenca at Bernard Palanca habang si Angelica naman ay kina John Lloyd Cruz, Derek Ramsay, J.B. Magsaysay at Carlo Aquino.

Pareho na ring of marrying age sina Bea at Angelica kaya umaasa pareho ang dalawa na kung sinuman ang susunod nilang mamahalin ay siya rin sana nilang makatuluyan.

Jerald walong taong naging alaga ng Triple A!

Limang taon na ang relasyon ng bagong Viva contract artist na si Jerald Napoles at Kim Molina. Ang dalawa ay naging malapit sa isa’t isa nang gawin nila ang hit musical na Rak of Aegis in 2014.

Magmula noon ay halos inseparable na ang dalawa na parehong nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency (VAA).

Winakasan na ni Jerald ang kanyang walong taong relasyon sa Triple A Management ni Tony Tuviera na siya ring big boss ng TAPE, Inc. at producer ng Eat Bulaga at APT Entertainment.

Hindi man personal na nakapag-paalam si Jerald kay Mr. T (Tuviera) ay nagpaalam naman daw siya kina Jojo Oconer at Mike Tuvierra na siyang involved sa Triple A Management at APT Entertainment at maging sa ibang tao ng kumpanya.

Ang ex-husband ni Ciara Sotto na si Jojo Oconer ang naka-discover kay Jerald na nakapanood sa kanyang musical stage plays. Ito rin umano ang nagkumbinse sa kanya na pasukin ang mundo ng showbiz.

May posibilidad ding pumasok si Jerald sa long-running and top-rating action-drama TV series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Pasok na rin kasi roon si Kim Molina.

vuukle comment

JAM IGNACIO

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with