^

Pang Movies

Bianca muntik ilibing nang buhay

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayong darating na Linggo sa Daig Kayo Ng Lola Ko, muling mapapanood sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Migo Adecer, Pauline Mendoza, Anjo Damiles, Glenda Garcia at Ge Villamil sa Love From Beyond episode.

Makikita ni Brix ang pendant ni Tricia sa labas ng restaurant at dahil dito, manunumbalik ang mga alaala nito sa kanya.

Sa tulong naman ng ibang multo, makukuha ni Tricia ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa. Susubukan niyang tawagan si Brix pero mahuhuli siya ni Jigs.

Sakto namang dumating si Brix kasama ang mga pulis sa sementeryo para hanapin si Tricia at dito na nila nahuli si Jigs na inililibing ng buhay ang dalaga. Nagkaroon pa ng mainit na labanan sina Jigs at Brix bago tuluyang maaresto ng mga pulis si Jigs.

Hinimatay naman na si Tricia at dahil dito ay binigyan siya ni Brix ng mouth-to-mouth resuscitation. This time, nanumbalik na ang lahat ng kanyang memorya.

Dito na rin ipinakita ni Tricia kay Brix ang video kung saan nag-uusap sina Jigs at Marge tungkol sa attempted murder at missing funds.

Bumawi si Brix kay Tricia hanggang sa naging mag-boyfriend and girlfriend sila. Marami silang natutunan sa mga nangyari.

Pinasalamatan din ni Tricia si Brix sa pagtulong nito sa kanya para maka-move on.

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with