^

Pang Movies

Sylvia walang paki sa bashers, ibinukong idea ni Maine ang ‘family dinner’

Gorgy Rula - Pang-masa
Sylvia walang paki sa bashers, ibinukong idea ni Maine ang �family dinner�

MANILA, Philippines — Masaya si Sylvia Sanchez nang maka­tsikahan namin sa 10th anniversary ng Beautederm na ginanap sa Royce Hotel sa Clark Freeport, Pampanga nung nakaraang Sabado ng gabi.

Kasabay na rin iyun ng birthday celebration ng CEO ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

Si Sylvia kasi ang isa sa mga unang brand ambassadors ng Beautederm at pinasok na rin niya ang pagiging distributor.

Ipinagmamalaki niya sa aming may tatlo na siyang Beautederm stores. Iyung una ay sa may Butuan at ang pinakahuli niyang kabubukas lang ay sa Roces Avenue, Quezon City.

Nung grand opening ng Beautederm store niya sa QC ay tumuloy pala siya sa family dinner nila kinagabihan kasama si Maine Mendoza.

Deadma na si Sylvia sa nam-bash sa kanya nung ipinost niya ang masaya nilang dinner.

Nabanggit nga raw niya kay Maine, ipinagki­bit-balikat na lamang nilang dalawa.

Nilinaw ni Sylvia sa amin na ideya raw talaga ni Maine ang dinner nilang iyun.

“Matagal na dapat kami mag-dinner ni Maine kaso masyado siyang busy. Ako din. So, hindi magkatagpo ang schedule namin, ako, Ria, Arjo, at saka siya.

“Okay si Arjo… sabi nya, ‘Mommy, sabi ni Maine, kailan ka ba libre? Kasi okay na siya ngayon. Tapos na yung movie, tapos na yung ganyan, yung ganito, medyo may time siya.

“Sige anak, sabi ko, Sana last Sunday yun sinet-up namin.

“Matagal na namin gustong mag-dinner together. Kaso nga lang, after nung pumunta siya sa bahay nung pinakilala ni Arjo.

“Nung unang punta kasi ni Maine sa bahay nung ipinakilala siya ni Arjo.

After that, hindi na nasundan kasi ang busy ni Maine. Hindi kami nagkatagpo.

“Cute naman ni Maine, kasi sabi niya, ‘Jo puwede na ba tayo mag-dinner with the family.

“Siya yung nagbigay ng idea na mag-dinner tayo,” kuwento ni Sylvia.

Natawa na lang siya sa ilang nagku-comment na maliwanag daw sa labas at mukhang may araw naman, na parang gawa-gawa lang ni Sylvia na nag-dinner sila. Kaya sinagot sila ng Kapamilya actress na puwede naman i-check sa podium ang ipina-reserve nilang dinner nung araw na iyun.

Kaya hindi na raw niya pinapansin ang namba-bash ng kanegahan dahil masaya raw silang lahat, at nakikita niyang nagmamahalan ang dalawa.

“Wala na akong iilagan pa kasi bawal i-post kasi baka maba-bash. Bawal ganito. Kasi, hindi ako puwedeng diktahan ng kahit sino.

“Bakit namin papatulan yung mga bashing? Hayaan mo na. Sinabi na nila lahat na masasakit na salita sa amin, okay na. Pabalik-balik na lang eh.

“Kung iisipin ko ang ibang tao, ang sasabihin ng ibang tao na magpapa-control ako ng ibang tao, hindi ako liligaya sa buhay ko,” saad ni Sylvia.

Rhian maraming natulungan nung birthday

Hindi talaga nakakalimot si Rhian Ramos sa pagbibigay ng tulong tuwing nagsi-celebrate ito ng kanyang kaarawan.

Masaya ang mga taga-Camcam Sito Kabatuhan Compound sa Valenzuela City nang doon mag-celebrate si Rhian ng kanyang 29th birthday nung nakaraang buwan.

Sa tulong ng Philippine Navy at ni Councilor Chiqui Carreon, napasaya ni Rhian ang mga tagaroon lalo ang mga fans niyang kabataan dahil sa mga dala niyang regalo, nagpakain at may free eye glasses pa sila na ibinigay ng Philippine Navy.

May pa-Zumba pa sa mga kababaihan at nagbigay ng oras si Rhian para sa mga bata na kung saan nagkaroon siya ng story telling.

Matagumpay na Community Outreach Prog­ram na iyun na in-enjoy ng mga taga-Valenzuela.

Pero mas fulfilling ito kay Rhian dahil naki­ta niyang may napapasaya siya sa kanyang kaa­rawan.

Doon na rin ay binigyan si Rhian ng Certification of Appreciation ng Philippine Navy sa sinserong pagtulong at pakikiisa sa kanila sa naturang outreach program. 

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with