^

Pang Movies

Lorna wala nang oras sa farm!

STARTALK - Lolit Solis - Philstar.com
Lorna wala nang oras sa farm!
Lorna

Puwedeng-puwede rin na magtayo ng Beautederm branch si Lorna Tolentino dahil celebrity ambassador din siya ng kompanya ni Rhea Tan.

Ang kaso, halos wala nang oras si Lorna para magnegosyo dahil sa tapings niya para sa Ang Probinsyano.

Bihira na ngang nabibisita ni Lorna ang farm niya sa Cavite dahil sa dami ng kanyang mga ginagawa.

Maganda, malaki at maraming pananim ang farm ni Lorna sa Cavite.

Noong nakaraang Huwebes, nagplano siya na bisitahin ang kanyang farm dahil walang taping ang cast ng Ang Probinsyano bilang nagpunta si Coco Martin sa Rome, Italy para sa ASAP show.

Ewan ko lang kung natuloy ang pagpunta ni LT sa Cavite farm niya dahil may nag-warning sa kanya na matindi ang traffic noong Huwebes.

Sa totoo lang, napakaganda ng farm ni Lorna sa Cavite na napuntahan na rin ni Bea Alonzo. Kung malapit lang sa Quezon City ang Cavite, malamang na mapapadalas ang pagpunta at pagpapahinga ni Lorna sa farm niya. Overacting na kasi talaga ang traffic sa Metro Manila kaya marami na ang tinatamad na bumiyahe.

Sylvia negosyante na

Bongga si Sylvia Sanchez dahil may sariling branch na siya ng Beautederm store sa Quezon City at ang balita ko, balak din niya na magtayo ng branch sa lugar nila sa Butuan para may negosyo ang kanyang kapatid.

Aside from sa trabaho niya sa TV at pelikula, hinaharap pa rin ni Sylvia ang kanyang negosyo.

Sobrang sipag ni Sylvia at pareho sila ng kanyang mga anak na sina Arjo at Ria na magaganda rin ang takbo ng mga career.

Isang patunay si Sylvia ng sipag at tiyaga kaya na-maintain niya ang kanyang puwesto sa showbiz. Namana rin ng kanyang mga anak ang professionalism sa work  at galing niya sa acting.

At bongga ang  Beautederm dahil nakikita natin ang paniniwala ng kanilang mga ambassador sa produkto nila. Nag-i-invest din sila para lumago ang kanilang mga kabuhayan.

No wonder, number one ngayon ang beauty products ng Beautederm. Congrats Sylvia and Rhea, talagang Beautederm kayo.

Nova sobrang kinis pa rin

May mga nagtatanong kung Beautederm ambassador na rin ba si Nova Villa dahil spotted siya sa opening ng Beau­tederm store ni Sylvia Sanchez.

Hindi ko alam ang sagot pero bagay si Nova na maging celebrity endorser ng kompanya ni Rhea Tan dahil napakakinis ng balat niya.

Magkaklase kami ni Nova sa grade school at noon pa man, artistahin na talaga ang itsura niya kaya hindi nakapagtataka nang pumasok siya sa showbiz.

Jinggoy seryoso sa pagpapapayat

Seryoso si Jinggoy Estrada sa pagbabawas ng timbang sa pamamagitan ng Keto diet.

Malakas ang self-discipline ni Jinggoy dahil nang magkaroon ng birthday party si Malou Fagar, hindi siya tumikim ng pagkain.

Nag-hire si Jinggoy ng fitness at Keto coach. Sayang naman ang mga sakripisyo niya kung mate-tempt siya na tikman ang mga pagkain na hindi kasali sa Keto diet niya.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with