^

Pang Movies

Young actress malakas ang kapit sa isang producer

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Walang nagawa ang isang manager nang desisyunan ng producer ng isang movie na bigyan ng importansiya ang billing sa promo materials ang isang young actress.

Ayaw kasi ng manager ng isang junior actress na magkaroon ng salitang bago ang name ng young actress. Kaya nga bago raw i-finalize ang promo materials ay ipakita sa manager.

Hindi pumayag ang producer sa hiling ng manager. Ginawa pa rin niya ang gusto niya na magkaroon ng salitang and bago ang name ng young actress, huh!

Lingid sa kaalaman ng manager, paborito ng producer ang young actress kaya lagi siyang may project sa film outfit nito.

Kylie grabe ang naramdamang nerbiyos sa laban ni Patch

Feeling mother si Kylie Versoza sa bet natin na si Patch Magtanong sa katatapos lang na Miss International. Si Kylie ang huling Filipina na nag-uwi ng korona ng Miss International noong 2016.

Bigong maiuwi ni Patch ang korona pero para kay Kylie, ang “exquisite performance” niya sa pageant ay puwede niyang ipagmalaki.

Sa post ng Miss International 2016 winner, saad niya, “I felt like a mom watching the pageant for the first time live. I was so nervous I don’t think I am ever going to watch another pageant live again!

“You were amazing and a great representative of the Philippines. Your speech on women empowerment and gender equality was moving.

“Congratulations this only the beginning,” caption ni Kylie.

Nagpasalamat naman si Patch sa presence ni Kylie sa coronation night.

Natuwa naman siya sa panalo ni Miss Thailand na gaya niya ay galing sa Asian country.

Abogada si Patch kaya may career siyang babalikan kahit luhaan sa mundo ng international beauty pageants.

Ang susunod na beauy queen na sasabak para makuha ang international crown ay si Michelle Dee na sa London ang tungo para sa Miss World 2019.

vuukle comment

MISS INTERNATIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with