^

Pang Movies

Jaya nag-trend sa theme song ng K-drama

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Naka-3.5 million views na pala ang kantang Hanggang Dito na Lang ng Queen of Soul na si Jaya. Ang nasabing kanta kasi ang ginamit bilang theme song sa Koreanovela na I Have A Lover na kasalukuyang umeere sa ABS-CBN.

Sobrang bagay ang kanta sa kuwento nito, tungkol ito sa magkakambal na pinaghiwalay ng tadhana dahil sa isang aksidente, nawalan ng memorya ang isa, kaya kinailangan ng isa na magpanggap bilang ang kanyang kakambal.

Naging matagumpay sa buhay ang isa sa kanila, pero masalimuot ang buhay may asawa nito. Nawalan sila ng anak ng kanyang asawa at nangaliwa ito. Samantala, ang kakambal naman niyang nawalan ng memorya ay namuhay ng simple lang, masaya ito pero paunti-unti pa rin niyang pini-figure out kung sino siya.

Pinagbidahan ito ng mga Korean star na sina Kim Hyun-joo, Ji Jin-hee, Park Han-byul at Lee Kyu-han.

Samantala, thankful naman si Jaya sa achievement niyang ito, wala siyang kamalay-malay na magte-trend ito.

Walang duda na hindi pa rin kumukupas si Jaya,  sa OPM scene.

vuukle comment

QUEEN OF SOUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with