^

Pang Movies

Ruffa napasayaw sa Bulaga

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ruffa napasayaw sa Bulaga
Ruffa

Si Ruffa Gutierrez sa Bawal Judgemental segment ng Eat Bulaga at nanalo siya sa nasabing segment.

May maikling sayaw si Ruffa nang ipakilala siya nina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon.

Sabi ni Ruffa, kapag nasa Eat Baga siya ay nagagawa niya ang mga bagay na matagal na niyang hindi ginawa.

Hindi na kasi nagsasayaw sa kanyang mga guesting si Ruffa bago pa man ipinanganak ang panganay niyang si Lorin Gutierrez na ngayon ay 16 years old na.

Happy nga pala si Ruffa sa tuwing naggi-guest siya sa Eat Bulaga dahil sa magandang treatment sa kanya ng hosts and staff, lalo na sina Bossing Vic at Tito Joey.

Station ID ng GMA at ABS-CBN ipalalabas na

Ang Christmas station ID shoot kahapon ng ABS-CBN.

Yearly ay inaabangan ng loyal Kapamilya fans ang Christmas station ID ng Dos.

For sure, mapapanood kaagad ‘yon lalo na at very Christmas na ang atmosphere sa ating bansa.

Kagabi naman ay ipinalabas na sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang Christmas station ID ng GMA 7.

Nagkasakit… Claudine naudlot ang pasabog!

Hindi natuloy si Claudine Barretto sa ipinatawag na presscon ni Atty. Ferdinand Topacio noong Friday night. May sakit nga raw si Claudine.

Inaabangan kung matutuloy pa rin this ang pa-presscon ni Claudine with her lawyer.

Inaabangan din kung anu-ano ang magiging pasabog niya sa presscon na ‘yon.

Pelikula ni Angelica may international screening

Ang shooting ngayon ni Angelica Panganiban para sa Unbreakable movie nila nina Richard Gutierrez at Bea Alonzo na showing na sa November 27.

Kahapon ay ipinakita sa ASAP Natin ‘To ang teaser ng pelikula.

Ayon sa mga taga-Star Cinema, may international screenings ang Unbreakable.

Inaayos na mapuntahan ng mga artista ang iba sa international screenings.

Sana magka-international screenings sa Europe at makapunta si Angelica dahil lumabas nga ang balitang disappointed ang kanyang ibang mga fan sa lugar na ‘yon dahil hindi siya tuloy sa ASAP Natin ‘To in Rome.

Pinost ni Angelica sa social media ang reklamo ng ibang mga fan niya na hindi raw na-inform na hindi siya tuloy roon.

Well, sana nga.   ‘Yun na!

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with